NAPATUNAYAN ni Jianna na tama ang desisyon niya na huwag muna umuwi ng Los Angeles. Kailangan niya ng oras para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa marriage niya. O kung talaga bang niloloko siya ni Marsean. Hindi siya uuwi na walang nakukuhang ebidensiya at patuloy na pagmumukhaing tanga ng kaniyang asawa. Ibinilin na lang muna niyang mabuti sa mga yaya sina Gale at Sofia. Bagaman at maya't maya naman ang tawag niya sa mga anak ay nami-miss pa rin ni Jianna ang mga ito. Ngunit kailangan niyang manatili sa New York para na rin sa ikakaayos ng kanilang pamilya. Naisipan ni Jianna na mangupahan na lang muna habang nasa New York siya. Hindi naman kasi siya puwede sa mga bahay at condo nila dahil siguradong malalaman iyon ni Marsean. Ayaw niya na malaman ng kaniyang asawa na han

