TAKOT AT PAGNANASA

1717 Words
"ANO nga pala ang sinabi sa'yo ni Sir Luther kanina? Bakit parang nagbubulungan kayo? Tapos ang tagal pa ng usap n'yo, ha?" usisa ni Celine habang papunta na sila sa locker pagkatapos ng duty nila. "W-wala." Mabilis na umiling si Jianna. Malakas pa naman makiramdam ang isang ito tulad ni Ninang Lara. "Marami lang siyang tinanong tungkol sa mga pabango natin." "Akala ko naman, niligawan ka na agad ni Sir. Mukhang type ka niya, eh," tukso sa kaniya ni Celine. "Sira ka talaga! Baka may makarinig sa'yo," namumulang saway ni Jianna. Pero ang totoo ay kinikilig siya na hindi niya maintindihan. "Paano naman ako magugustuhan no'n? Eh, boss natin 'yon tapos empleyado lang ako." "Hindi naman daw matapobre si Sir Luther. Babaero nga lang. Alam mo ba na break na raw sila ng girlfriend niya na kasama niya noong huling punta niya rito sa branch natin?" pagkukuwento pa ni Celine na lihim namang ikinatuwa ni Jianna. "Kaya siguro nagpapapansin sa'yo kanina. Kapag totoo ang hinala ko, kawawang Vincent. Lalong wala ng pag-asa sa'yo. Kay Cathy na lang talaga siya kung ayaw niyang mawalan ng trabaho." Eksaktong nakasalubong nila si Vincent na papunta na rin sa locker ng mga lalaking empleyado. Hindi katulad noon na kinukulit pa nito si Jianna na ihatid, tumango lang ito at matipid na ngumiti. Mukhang natakot nga talaga sa banta ng boss nila. "Sabi ko sa'yo—" "Bilisan na natin para mauna tayo sa CR," maagap na sansala ni Jianna kay Celine bago pa man ito makahalata tungkol sa kanila ng boss nila. NAKAHINGA nang maluwag si Jianna nang paglabas niya ay walang Luther ang nag-aabang sa kaniya. Baka nakalimutan o kaya ay baka hindi naman talaga ito seryoso sa sinabi nito kanina. Baka nga sanay lang itong magpaasa ng babae dahil babaero nga raw sabi ni Celine. Sabagay. Baka dati pa naman talagang babaero ang Luther na iyon. Hindi naman nito basta-basta papatulan si Jianna noong nasa Isla Aurora pa sila kung hindi ito sanay magpaikot ng babae. Hindi naman niya sinisisi si Luther dahil siya rin naman ang may gusto niyon. At lalong hindi niya pinagsisisihan ang pagkabuo ni Gale. Pero maiiwasan niya na guluhin ni Luther ang buhay nilang mag-ina kung iiwasan niya rin ito. Kaya imbes na sa terminal ng jeep pumunta ay nag-abang na lang si Jianna para makaiwas kay Luther sakali mang totohanin nito ang sinabi. Kampante siya na hindi siya nito masusundan dahil sa likod ng mall ang kalsadang inabangan niya. Kaya nga nagulat siya nang may mamahaling kotse ang tumigil sa harapan niya at mukha ni Luther ang nakita niya sa driver's seat nang bumukas ang bintana niyon. "Sinabi ko naman sa'yo na hindi mo ako maiiwasan, angel," nakangising saad nito nang makita ang pagkagulat sa mukha niya. "Hindi kita iniiwasan, Sir. Punuan lang talaga ang jeep sa terminal," mataray na sagot ni Jianna. "Kung gano'n, sumakay ka na. Ihahatid na kita sa inyo," pangungulit pa nito. "At huwag mo nang hintaying bumaba pa ako at bubuhatin talaga kita diyan." Hindi nagbibiro ang boses ni Luther. Sa takot na baka totohanin nga nito iyon at may makakita sa kanila, padabog na sumakay sa backseat si Jianna. Pero agad din siyang pinalipat nito. "Boss mo ako at hindi driver kaya dito ka umupo sa tabi ko," utos sa kaniya ng binata. Hindi niya alam kung bakit para siyang na-hipnotismo at sunod-sunuran lang si Jianna sa bawat sasabihin nito. Naiinis na pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib nang makaupo sa tabi nito. Tinitigan niya ito nang masama dahil sa sobrang pagkainis. "Huwag mo akong masiyadong titigan, angel. Baka ma-in love ka sa'kin niyan," biro ni Luther nang bumaling ito sa kaniya at nahuli siya na titig na titig dito. Hindi kinaya ni Jianna nang makipagtitigan sa kaniya si Luther kaya siya ang unang nagbawi ng tingin. "Okay. Panalo ka na." Alam naman niya na hindi siya mananalo kay Luther kaya pumayag na siya. Ngunit sa likod ng isip ni Jianna ay may nakahanda ng plano. "Puwede na po ba tayong umalis. Sir?" madiin at mataray niyang sabi. Naaliw itong tumawa. "Sure. Saan po ang daan natin, Ma'am?" "Bahala ka kung saan mo gustong dumaan." Tiningnan niya ito nang masama bago tumingin sa labas ng binatana. Tinawanan lang uli siya ni Luther kaya lalo lang siyang nainis. Mukhang inalam nga talaga ng boss niya kung saan siya nakatira dahil napansin ni Jianna na tama ang daan na binabaybay ng sasakyan nito. "Malapit lang din dito ang bahay ko," kapagkuwan ay sabi ni Luther kahit hindi naman niya tinatanong. "May bahay ka dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Jianna. Hindi niya talaga alam na may bahay din pala doon ang boss nila. Pero kailan pa? "Actually, kabibili ko lang noong nakaraang araw. Kanina lang din ako lumipat. Balak ko kasi na dito muna mag-stay." Lalong hindi makapaniwala si Jianna sa tinuran nito. Bakit pa ito bumili ng bahay sa malayong probinsiya na iyon kung may komportableng bahay naman na ito sa Manila? At bakit ngayon lang ito bumili? Dahil ba nandoon siya? "Ano naman ang gagawin mo dito sa probinsiya?" sa halip ay tanong ni Jianna. "Eh, nasa Manila ang office mo at nando'n ang malalaking branch." He shrugged. "Mas nagustuhan ko lang dito sa Quezon Province. Tahimik at sariwa ang hangin. Parang nasa Isla Aurora lang din ako. At saka... nandito ka," walang ligoy nitong wika at saka nito dahan-dahan na itinigil ang sasakyan sa tabi ng kalsada. "S-Sir, anong gagawin natin dito?" kinakabahan na tanong ni Jianna nang makitang madilim sa paligid. Tanging ilaw mula sa poste na nasa di-kalayuan lang ang nagsisilbing liwanag nila. Bagay na dumadagdag sa kabang nararamdaman niya. Sa halip na sagutin siya, inilapit ni Luther ang mukha nito sa mukha niya. "Be with me tonight, angel," bulong nito sa mababang boses. "Tulad noong nasa isla tayo. Ayaw mo na ba sa'kin?" Napalunok siya. Alam na alam ni Jianna ang sagot na gustong isigaw ng kaniyang katawan dahil sa pagnanasang nagsisimula na namang mabuhay sa kaibuturan niya. Ngunit iba ang isinisigaw ng kaniyang isipan. Naalala niya ang sinabi ni Celine kanina kung gaano raw ka-babaero ang boss nila. Paano kung pinaglalaruan lang din siya ni Luther at magbunga na naman? Pero ang higit na ikinakatakot talaga ni Jianna sa pagkakaroon nila ng ugnayan ni Luther ay ang malaman nito ang tungkol kay Gale at kunin nito ang anak niya. Umiling siya. "Iba noon at iba na ngayon." "Bakit? Dahil boss mo na ako?" Matiim na tinitigan siya nito. "Wala naman akong pakialam, Ji. Kung paanong wala ka ring pakialam noong nakilala mo ako na mangingisda pa lang. Basta gusto kita at gusto kitang makasama uli tulad noon." Pakiramdam niya ay nanuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa napakalapit na mga labi ni Luther. Isang maling galaw lang niya at siguradong mahahalikan na siya nito. "Sinabi ko naman sa'yo na may anak na ako," sagot ni Jianna habang pilit na nilalabanan ang kabang nararamdaman. "So, that's why." Mas tumiim lalo ang titig nito sa kaniya. "Pero single ka pa rin. Single din ako. Ano ang bawal do'n?" Babaero ka na kasi! Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Dahil mas priority ko na ngayon ang anak ko." Lumambot ang anyo nito. "Hindi naman porke't gusto mong maging masaya, pababayaan mo na ang anak mo, 'di ba?" Masuyong sinapo ni Luther ang pisngi niya. "Hindi naman masama kung bigyan mo rin ng kaligayahan ang sarili mo, 'di ba? At wala naman akong naging kasalanan sa'yo para iwasan mo ako. In fact, ikaw itong biglang umalis na lang noon nang walang paalam pagkatapos mo akong baliwin ng isang gabi lang." "That's all it was, just one night." Umiwas siya ng tingin sa takot na baka mabasa nito ang emosyon sa kaniyang mga mata. "Pumunta lang naman ako sa islang iyon para magrebelde kay Papa. Hindi ko naman in-expect na makilala kita." "Kaya pala umalis ka nang gano'n lang. Kasi... pang-one night lang pala talaga ako," puno ng hinanakit na wika ni Luther. "Pang-one night s*x lang." Hindi niya nakayanan ang malamig na titig sa kaniya ng binata kaya nagbaba siya ng mukha. Nanliliit na naman siya sa kaniyang sarili. "I'm sorry, Luther. Wala kang kasalanan. And I know I shouldn't have done that." Kinagat ni Jianna ang ibabang labi. "But God knows na kailan man ay hindi ko iyon pinagsisihan." Kasi nang dahil doon kaya nagkaroon ako ng isang munting anghel. Pero dahil hindi naman alam ni Luther ang tungkol doon kaya iba ang pagkaintindi nito. Muling lumambot ang anyo nito. "Kung gano'n naman pala, bakit ayaw mo na sa'kin? Wala naman pala akong ginawang masama sa'yo." "Kasi—" "Kahit isang gabi lang, Ji," maagap nitong sagot at sinapo nang buo ang kaniyang mukha para magkatitigan silang mabuti. "Kung talagang pang-isang gabi lang ang tingin mo sa'kin, fine. Basta makasama lang uli kita." Umilap ang mga mata ni Jianna. Lalo siyang nakaramdam ng hiya sa sarili dahil sa maling akala ni Luther. Kung puwede lang sana niyang sabihin ang totoo. Pero hindi pa niya lubos na kilala ang binata. Paano kung katulad din ito ng kaniyang ama at hindi rin matanggap si Gale? Nanikip ang dibdib ni Jianna. Parang di siya makahinga kaya dali-dali siyang bumaba ng sasakyan. Sumasagap siya ng hangin nang sumunod sa kaniya si Luther. "Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa'yo, Ji. Pero ramdam ko na pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon." Inisang hakbang ni Luther ang pagitan nila. Napaatras siya. "L-Luther..." "Jianna..." Napahiyaw siya nang bigla na lang siya nitong hapitin palapit sa katawan nito. Pilit siyang kumawala sa pagkakayapos nito sa kaniya ngunit isinandal naman siya nito sa sasakyan. Para siyang nawalan ng lakas kaya itinukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito. She even tried to push him. Ngunit hindi sapat ang lakas ni Jianna sa mga oras na iyon kaya lalo lang siyang nakulong sa mga bisig ni Luther. Lalong kumabog ang dibdib niya nang maramdaman ang matigas na bagay sa harapan nito nang magdikit ang kanilang mga katawan. Ramdam ni Jianna ang pagkabuhay ng init sa kaniyang katawan ngunit pinipigilan siya ng mga agam-agam niya. "L-Luther. No." "Saka mo sabihin iyan pagkatapos nito, angel," paos na ang boses na usal ng binata bago nito sinunggaban ng halik ang nakaawang niyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD