“MASIYADONG MALAYO ang Bacolod, Jianna. Paano na lang kung may mangyaring masama sa’yo roon? Malapit na ang kasal n’yo ni Marsean,” galit na wika ng kaniyang ama nang magpaalam siya na sasama sa kaibigan niyang magbabakasyon sa lugar na iyon. Lihim na napakuyom ang dalaga ngunit wala siyang magawa. Lumaki siyang masunurin bilang unica hija nito. Walang sinabi ang kaniyang ama na hindi niya sinunod. Mula sa pagkuha ng kurso hanggang sa mapapangasawa niya ay ito ang nagdesisyon. Hindi dahil robot siya kundi mahal na mahal niya ito. Simula nang mamatay sa panganganak sa kaniya ang sariling ina, ang ama na ni Jianna ang nag-aruga sa kaniya. Ni hindi na ito nakapag-asawa uli para lang mabigyan siya ng sapat na oras. Lalo na at ipinanganak siyang sakitin. Bukod sa kabi-kabilang negosyo ng

