“Nag-aayos ako ng papel para makaakyat ng barko. I was asking a favour from a friend's relative for a backer, dahil kailangan ng ganoon bago makasampa. I was in the area when tita called so…” Tamad siyang nagkibit-balikat bilang pagtatapos ng sinabi.
“Oh,” tanging tugon ko ng mapagtantong matapos nga naman niyang maka-graduate ay muli siyang sasampa ng barko, dahil iyon naman talaga ang trabaho niya. I've thought about this noong kami pa at hindi ko lubos maisip kung paano ko napaniwala ang sariling kakayanin ko iyon. Gayong halos anim na buwan pa lamang siyang nawawala noon ay halos mabaliw na ako sa lungkot.
“Are you staying here for the summer vacation?” sa kaswal na tinig pa rin niyang tanong. “No grandeur escapades?”
Hindi ko maintindihan kung paano niya nasabi ng normal ang huling pangungusap. Walang kahit kaunting bahid ng kasarkastikuhan o pait ang boses niya. Maybe I’m the only one who still feel guilty here. While he looked really calm and composed. Ni hindi kailanman nawaglit ang diretsong titig niya sa mga mata ko na para bang balewala na sa kaniya ang lahat ng nangyari. Na ganito na lang kadali para sa kaniyang tignan ako ng walang pag-aalinlangan sa kabila ng history namin. Like he’s moved on… unlike me who can’t even look at him for more than five seconds without feeling the tremors on my knees.
“That’s the plan,” taas-noo kong turan kahit sa totoo lang ay para nang bibigay ang mga tuhod ko.
“Lewy! You're awake na pala! Good morning!” ani Mommy, malaki ang ngisi habang palapit sa amin. Kasunod niya ang isang kasambahay na may hawak na tray ng fresh juice. “Ang sarap ng tulog mo diyan sa couch kaya hindi na kita ginising.”
“Mom.” Pikit-mata kong nasapo ang noo at muling nasuklay ng daliri ang buhok.
At least wake me up if we're expecting someone! Lalo na kung si Raf!
“You sure ayaw mong kumain ng brunch, Rafiele?” Mom beamed at him.
“Thanks, Tita, but I already ate on my way here.” Ngumiti namang pabalik ni Raf dito pati na kay manang na naglapag ng baso ng fresh juice sa mini table.
“Oh! The tuna you bought looks incredible! Ngayon lang yata ako nakakita ng fresh na gano’n. I mean, with all its parts intact, at least. Ikaw ba ang nakahuli noon?”
Raf nodded, an easy smile plastered on his face. “With the help of some of my mates po.”
Mom looked surprised and really amused when she threw me a glance. I just looked back at her with confusion. What’s so surprising about that? Seaman si Raf so fishing is just a given.
“You said you're taking care of your papers? How is it going? May date na ba ang alis mo?” Makahulugan pang sumulyap ulit sa akin si Mommy bago naupo sa couch na hinihigaan ko kanina.
I crossed my arms at them and waited for Raf's response.
“There's no definite date pa, Tita, but I guess it'll be in a month or two from now. Inagahan ko ang pag-aayos para after sana ng graduation ceremony makakaalis na ako agad.”
Umirap ako sa hangin. At talagang nagmamadali siya ah! 'Di pa 'yan officially nakaka-graduate pero alis na alis na! Hindi ba siya pwedeng mag-stay kahit mga ilang buwan o isang taon bago siya aakyat ulit ng barko? Kung bakit kasi iyan pa ang propesyong gusto niya? Seamen almost lived in the ship! Ngayon ko lang napagtanto dahil ayaw kong isipin ito noon. At sa lungkot na sasapitin naming dalawa'y imposibleng hindi kami titingin sa iba. Kaya rin siguro… tinapos na niya bago pa man kami mahantong sa mas kumplikadong sitwasyon. But still!
Bumagsak ang mga balikat ko sa mga naiisip. Hindi ko na sinulyapan ang dalawang abala na sa pag-uusap nang tinalikuran ko sila, para sana magtungo na sa kwarto ko at ayusin na ang sarili.
“Lew! Why don't you let Rafiele tag along with you and your friends today? He's free na raw for the rest of the day!” pahabol ni Mommy bago pa man ako tuluyang makaakyat ng hagdan.
Bumaling akong pabalik sa kanila at agad akong sinalubong ng seryosong ekspresyon ni Raf. Nagbitiw ako ng tingin nang may iba pang emosyong hindi mabasa akong nakita roon.
“Sure,” buntonghininga ko, mabilis nang nag-iisip kung anong susuotin para sa pupuntahan.
“Her friends are here, Tita?”
I bit my lip upon hearing Raf's baritone. At bago pa man makasagot si Mommy ay isa-isa nang nagsisulputan ang mga block mates ko. Oh what perfect timing!
“Good morning, Tita!” maligayang bati ni Denise rito, animo’y walang hangover.
“Good morning! Did you all sleep well?”
“Opo, the beds are very comfortable I could sleep all week tucked in it!” si Nicole.
Mom laughed heartily. “Brunch is ready. Kumain kayo nang marami before kayo umalis ha!”
Nagtaas ng kamay si Lucile. And with her bed hair and nonchalant expression, she said, “Pwede pong paampon?”
“Hindi ka cute, walang aampon sa ‘yo,” antok pa ang mga matang ani Raul.
“Hindi ka na nga gwapo, 'di ka pa faithful, walang makikipagbalikan sa ‘yo.”
“OOH!” Nagtaas ng palad sa ere si Jake na siyang tinanggap naman ni Lucile para sa isang high-five.
“Ang aga n’yo. May hangover ako ah!” banta ng hindi nakabanat pabalik na si Raul.
“You started it, dumbass,” Cil countered.
Ang antok pang mga mata ni Raul ay biglang nanlaki at animo’y kung anong hayop na handa nang manakmal.
“s**t,” tanging nasabi ni Lucile bago napatakbo dahil sa pagsugod sa kaniya ni Raul. Naghabulan ang dalawa sa living room.
Jake was laughing maniacally while watching the two instead of stopping them. At ganoon lang kadaling umingay ang kaninang tahimik na living room dahil sa kanila. Mukhang hindi nila napansin na may ibang bisita dahil sa mga kabugukan.
“Guys, mahiya naman kayo! Wala kayo sa mga bahay n’yo hoy!” Nicole’s futile attempt to stop the two.
“Lew! Lew!” Lumapit agad sa akin si Denise na para bang may kung anong urgent siyang gustong itanong o sabihin.
“Den, what?” natatawa kong turan sa excitement ng kaibigan.
“Sino 'yon?” Palihim niyang itinuro ang seryosong si Raf na nanatiling nakaupo roon sa couch, habang pinanonood ang pagbabangayan ng mga block mates ko.
“That's…” I sigh in defeat. “Rafiele.”
Mabilis napabaling sa akin si Denise habang nanlalaki ang mga mata. Ang disbelief ay lumiligid sa ekspresyon niya. “Rafiele? As in your recent ex?! Girl, totoo ba? Eh ang gwapo pala niyan!”
Natawa ako sa halos paghihisterya ng kaibigan. “Baka marinig ka.”
Pagkabaling kong muli kay Raf ay naabutan ko na itong mariing nakatingin kay Jake. I gulped at the last memory I had before things ended between us. At kahit gaano na katagal iyon nangyari at ilang beses ko nang pinagsisihan ay nagi-guilty pa rin ako.
And true enough, Rafiele tagged along with us the whole day. Sumasakay siya sa mga biro nina Denise but he was quiet most of the time. I think there's something bugging him that he wanted to ask or talk about but hesitant to open it up. Alam ko iyon dahil ganoon din ang nararamdaman ko. I wanted to talk to him about so many things… maybe because our break up is so sudden and we didn't get the chance to talk about us or tried to reconcile things after that.
“You love being in the middle of the sea that much?” panimula ko nang sandali kaming mapag-isa sa cottage.
We were on a local resort not too far from home. Ang mga block mates ko’y abala sa pagligo sa falls. Para silang mga inosenteng unggoy na nakawala mula sa syudad at sa wakas ay nahanap ang totoo nilang tahanan sa gubat. Nakakagaan sa pusong panoorin kahit mga mukhang tanga.
“Not really.” Bahagyang ngumisi si Raf pagkasulyap sa akin.
“Then what’s with the rush? May hinahabol ka ba?” I said with a tone of slight sarcasm.
Nagkibit-balikat siya at tumango ng kaunti. “Parang gano'n.”
“Okay.” Matabang akong tumawa nang hindi siya tinatapunan ng tingin.
I crossed my arms and take in the view of the streaming falls in front of us. Ang tunog ng marahas na pagragasa ng tubig nito sa mga bato pababa sa ilog ay nakakakalma. Kabaligtaran ng umuusbong kong kaba.
“Your long hair suits you better. Sana hindi mo pinaputol…”
“I'll need to cut it eventually. Isa pa, I had it like that for years and at some point, naisip kong hindi maganda ang sobrang haba. Mahirap i-maintain at alagaan. I think I just grew tired of it. Just like what you said years ago… that everything isn't promised. Things just… change,” nang natapos kong sabihin ito'y sandali pa akong natigilan sa pagkakatantong parang hindi na iyon tungkol sa buhok lang.
Naaninag ko ang pagbaling sa akin ni Rafiele. Ramdam ko ang riin ng pagtitig niya nang magtagal ito.
My heart instantly boomed with the familiar feeling that's why I didn't dare look back. Bagkus ay inabala ko na lamang ang sarili sa pagtunghay sa asul na kalangitan habang pinakikiramdaman ang malamyos na pag-ihip ng hangin sa balat. This familiar calming sensation always reminds me of him, of how and what he is to me.
“The night you broke up with me made me realize what's been wrong with our relationship for the last years. I was too dependent on you at katulad ng sinabi mo, I think I was being territorial too. And if it isn't with our break up, I don't think I'll ever get to know other sides of myself like this… so I started thinking that your decision that night was right. At sa ating dalawa, ikaw lang ang may sapat na lakas ng loob para pangunahang itama ang kamaliang 'yon.” I tucked the loose hair behind my ear when a potent wind passed. Ramdam ko pa rin ang titig sa akin ni Raf kaya’t hindi ko magawa ni sumulyap sa kaniya.
“You've really grown,” I was surprised with the hint of pain I heard in his voice. “I don’t know if I explained it enough but I only broke up with you that night, knowing that it’s gonna be like that for us for the years to come… so we both needed time to sort things out. But no, I’ve never really wanted to end things like that between us…”
Nagbaba ako ng tingin sa mga palad kong nasa kandungan at pinaglaruan ang mga daliri habang dinidinig siya. I was biting my lip unconsciously while remembering as how that night haunted me for months. How I felt so lost that I thought I could never find myself again. But it is in losing that we start searching and hope for something to find—and I needed that at the time.
“Lewis…” His voice and his hand on top of mine are both gentle that it breaks my heart to remember.
I pressed my lips and eyes shut for a moment before finally turning to look at his face. And when our eyes met, everything makes perfect sense all of a sudden. Dahil siya pa rin. Siya lang. Sa kaniya lang ako babalik. Parati.
“Guys!”
Bumitiw si Raf sa akin nang sabay kaming mapatalon dahil sa gulat, na para kaming mga kriminal na nahuli sa akto ng krimen dahil sa boses ng tumawag.
“Anong ginagawa n’yo rito bakit hindi kayo—ah! AH! Bakit? Hoy aray!”
“Don't mind this idiot. Just carry on,” walang emosyong turan ni Lucile bago hinila si Raul mula sa tainga palayo.
“Aray, Cil!”
“Isipin n’yo na lang we're not here. And no, we didn't see anything! We can't even hear a word you guys say! Seriously, we can't even see you two!” Denise nodded with assurance before turning her back at us to join the rest of the guys.
Nagkatinginan kami ni Raf ng ilang sandali bago sabay na natawa sa kabugukan ng mga kaibigan ko.
“Your friends are nice.”
Natatawa kong hinawi pasuklay sa kabilang side ang buhok. “They're a bunch of idiots and I love them. They made my life somehow easy.”
Nakangiting bumaling sa akin si Rafiele, pumangalumbaba at tumitig.
“Bakit?” Lito akong ngumiti dahil sa mga tingin niya.
Matagal pa muna siyang tumitig nang ganoon bago nagsalita sa dating malambing na boses. “I missed you.”
Natigilan ako agad dahil sa walang habas na pagluksong ginawa ng puso ko. The way his eyes tenderly looks at me makes me want to forget the pain I went through, and rebuild the once shattered dreams I had.
Kabado ngunit nagawa ko pa ring ngumiwi at magbiro. “Oh my God, please stop flirting with me.”
He barked a laugh at that. “You’re blushing. Aminin mo na lang kasing na-miss mo rin ako.”
“You fiend, I hate you,” natatawa kong turan. “Oo na!”
He smiled more at that. “Napilitan?”
“I missed you!” halos pa-angil kong utas.
“Galit ka?” Pinandilatan niya ako, ang ngiti ay hindi kailanman nawaglit sa labi.
Umirap lamang ako habang nakangiti.
Madalas si Raf sa bahay ng mga sumunod na araw dahil umano sa pag-imbita sa kaniya ni Mommy. Dumaraan siya tuwing hapon at pinagsi-stay na ni Mommy para sa dinner. Para bang normal lang iyon kung umarte sila. Na para bang hindi kami naghiwalay, na hindi nangyari ang gabing iyon. Na sa isang iglap lamang ay nagbalik ulit ang lahat sa dati. Pero ayaw kong bigyan iyon ng malisya. At lalo nang ayaw kong umasa dahil nakikinita ko na ang kahahantungan namin. But what's the point of forbidding myself with a little happiness? Alam kong magtatapos muli ito sa paalam pero hindi ba pwedeng maging masaya lang muna kahit saglit?
Dad wanted to buy me a car. Matagal na niya akong kinukulit na mag-aral mag-drive pero ayaw ko. Ni hindi ako marunong mag-bike tapos magdi-drive ako ng sasakyan?
Watching cars almost flew as they passed by scares the s**t out of me. Kung hindi pagkakabangga ay atake sa puso ang ikamamatay ko!
Ngunit nang nagpumilit sila at hindi talaga ako nakumbinsi, nag-suggest si Mom na turuan ako ni Raf na mag-drive at baka magbago raw ang isip ko. Ang daya lang pero naisip ko rin na importanteng skill iyon kaya pumayag na rin ako.
But truth be told—gusto ko lang talagang makasama si Raf sa mas matagal na oras dahil alam kong malapit na siyang umalis ulit. This thought saddened me but not in the same way anymore. Dahil ngayon, alam kong kaya ko na siyang piliin at panindigan, narito man siya sa tabi ko o wala.
“It’s okay, Lew, calm down and hit the break.”
“What—where—”
“It's right there… the one in the right. Stay calm—I’m right here.”
“Oh my, God!” Napatili ako sa takot nang imbes na preno ay gas ang naapakan ko. Humarurot bigla ang sasakyan hanggang sa bigla itong huminto matapos bumangga sa isang pader. All the blood in my face drained.
“s**t! You okay?” Mula sa hawak na hand-break ay nilingon ako ni Raf at dali-daling sinapo sa braso.
Nanginginig ang mga kamay ko pagkadapo niyon sa nangangatal kong mga labi. “Oh gosh, I-I'm so s-sorry.”
“Lew, are you okay?” Raf pressed. Hinawakan niya ang kabila ko pang braso at marahan akong hinarap sa kaniya.
Aligaga ko siyang tinignan, hindi alam anong gagawin. Binangga ko ang kotse niya sa pader!
“I-I'm okay but y-your car—”
Sinapo niya ang nanginginig kong mga kamay at binalot ng mga palad niya. “You're trembling, are you sure you're really okay?”
Ang panic at takot na nadarama ko'y unti-unting napapalitan ng kapanatagan. Pero kahit hindi niya ako sinisi ay nagi-guilty pa rin ako sa sinapit ng sasakyan niya. I guess driving isn’t really for me.
I was wearing a pastel green halter crop top and light high waist denim shorts paired with my white chuck. My hair is long enough now for a messy bun.
Naroon ako sa gilid at tahimik na napapangiwi sa itsura ng kotse ni Raf nang dumating ang tinawagan niya. Pagkabati sa kaniya'y bumaling ito sa akin, ngumiti at bahagyang kumaway. Hindi ko ito kilala kaya't tipid lamang akong ngumiting pabalik. Ang kasama nitong nahuling bumaba ng sasakyan ay agad dumapo sa akin ang tingin at bahagya pang nagtagal, bago pinagtuunan ng pansin ang sasakyan ni Rafiele.
“Ikaw nakabangga, pre?” tanong ng naunang lalaki kay Raf ngunit mabilis ring naglipat ng tingin sa akin. “Girlfriend mo?”
Ang kasama nito'y abala na sa pag-obserba sa sirang tinamo ng sasakyan.
“Can you guys take care of it?” pagbabalewala ni Raf sa mga tanong nito. Pagkahagis ng susi sa lalaki ay walang hirap nito iyong nasapo.
The guy is smirking at me and seems to be smug about something. “'Course we can. Leave it to us, man!” Sabay halakhak. “Your car's in good hands.”
“Thanks,” malamig na tugon ni Raf dito. Naramdaman ko ang pagpirmi ng palad niya sa lower back ko, in a careful and reverent manner. “We're going, then.”
“Alis na kayo agad?” Ngumisi ang lalaki, sa akin pa rin nakatingin. Bumaling rin tuloy ang kasama nitong lalaki sa amin.
Bahagya nang tumaas ang isang kilay ko rito. Pagkasulyap kay Raf ay nakita kong kumukunot na ang noo niya at tila may hindi nagugustuhan. Makalipas ang ilang sandali ay mabigat siyang bumuntonghininga at nag-umpisa nang maglakad paalis roon, ang kamay niya'y nanatili sa likuran ko bilang paggiya sa akin.
“Bye!” pahabol pa ng lalaki.
“Are you comfortable with your clothes?” walang lingong tanong ni Raf nang naglalakad na kami patungo sa main road.
“Yeah,” simple at sigurado kong tugon saka sumulyap sa kaniya. “Bakit?”
“There's nothing wrong with how you dress or whatever clothes you want to wear. Hindi lang ako kumportable kung paano ka tignan ng mga tao,” maingat niya itong sinabi.
Napalingon tuloy ako sa paligid para lang sipatin ang ilang taong nakakasalubong namin. We're near the park now and since it's an afternoon weekend, medyo may karamihan ang mga taong nakasasalubong namin. Ang ilan sa mga ito'y hindi nalalayo sa amin ang edad.
“All they could do is look, Rafiele. At wala naman akong pakialam doon! Isa pa, it's summer!” Hindi ako galit ngunit medyo tumaas ang boses ko. I just—for Christ’s sake—doesn't give a damn about anyone's opinion of me. Especially on how I carry myself. Though alam kong hindi iyon ang pinupunto niya.
I heard frustration on his sigh but he still managed to agree calmly. “I know. Just be mindful of your surroundings. Lalo 'pag inaabot ka ng gabi sa labas. I can't always be with you like this.”
Sabi na. He's being protective again.
I gave him a sarcastic smile. “Yes, Kuya.”
“Good.” Sinulyapan niya ako sa gilid niya at bahagyang ngumisi. Ang mga palad niya'y nanatiling pirmi sa likuran ko. His palm felt so subtle that I couldn't even feel it behind me. Wala iyong ibang dahilan kundi ang sumuporta lamang. Sa kung ano ay hindi ko alam.
Ang buong akala ko'y sa bahay kami didiretso ngunit doon kami sa apartment niya nagtungo. He said he'll cook lunch for us so who am I to decline?
“Bakit hindi ka na lang nag-stay sa mom mo?” tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang studio type niyang apartment. Malinis iyon at isang tingin pa lang ay alam na agad na lalaki ang naninirahan, dahil sa pinaghalong gray, white at black na mga gamit.
“I’m trying to start and live on my own,” sulyap niya mula sa kusina. “Lunch is ready, let's eat.”
I was smiling like an enthused kid as I make my way on his dining table. “What did you cook?”
“I had some succotash this morning so I cooked fish fillet with it. They're perfect together.” Ngumiti siyang pabalik nang makita ang katuwaan ko.
“It smells nice!”
“What else can you cook now?” tanong niya nang kumakain na kami.
Sandali akong nag-isip at nang maalala ang mga pinag-aralang putahe ay taas-noo ko itong ipinagmalaki. “Chicken pastel and creamy chicken mushroom!”
He chuckled under his breath. “You're a chicken dummy!”
Pinagtaasan ko siya ng kilay bago ito klinaro, “I'm a chicken expert!”
Defensive siyang nagkibit-balikat habang nakangisi. Sabay may paghahamong sinabing, “Cook for me next time, then.”
I narrowed my eyes at him. “That's a deal.”
Nang natapos kaming kumain ay tinulungan ko siyang magligpit. Huli kong inabot ang mga baso sa kaniya. Sabay nakahalukipkip akong sumandal sa gilid ng sink habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin.
“May bagay ka bang hindi kayang gawin?” obserba ko. Sabay uyam, “You have a bright future for a servant. Want to work for me?”
Mabilis siyang sumulyap sa akin at agad napangisi. “If tending to your needs is all I need to do then I don't mind,” sakay niya sa biro ko. “Kailan ako mag-start, boss?”
“Start agad? 'Di man lang nagtanong magkano offer?” I said, tilting my head to the side.
He shrugged idly. “Ikaw lang naman ang importante.”
Nagulat man ako sa sinabi niya'y hindi ko iyon ipinahalata. Siya nama'y halatang nagulat rin ngunit hindi iyon binawi.
We both fell silent after that. Tanging ingay lamang ng faucet ang ingay na umalingawngaw sa kabuuan ng silid. At ang hangin ay unti-unti nang napapalitan ng awkward tension sa kawalan ng mga salita.
I bit my lip and looked down at the floor. Siya naman ay tinapos ang paghuhugas ng pinggan. We stayed silent like that until he finished washing the dishes. The deafening silence only broke when his phone rings.
Nasa akin ang likuran niya pagkasagot ng tawag. But he slowly turned to me while hearing someone from the other line. And when he talked back, his eyes are still fixed on me while saying, “The damaged isn't serious? So it's okay now? I see… thank you. That's all I want to know. I won't let it hit a wall again and took a break… not again.”