GETAWAY BRIDE KABANATA FOUR
“GET DOWN!” Malakas na sigaw ng daddy pero ako itong nakatayo lamang. I stared at my hands, frozen in horror. They were covered in blood—Mom’s blood.
“Lucia! Get down!” Dad's voice was distant, muffled. He was shouting, screaming, but I tuned him out. I only heard Mom's silence. Para akong nahihilo, parang naglalayo ang paligid ko, habang tinitignan ang mga kamay kong may dugo.
In my mind remembered the sound of shattering glass, Dad's angry roar, and Mom's terrified scream. Then, the loud bang that made my heart stop.
“Anak! Get down!” Mom's eyes locked onto mine, filled with a mix of fear and love. She tried to speak more, but only a faint whisper escaped her lips. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makababa, hindi ako makakilos.
“Lucia! Lucia!” I heard Light’s voice. Parang echo sa pandinig ko. Sa bawat pagpikit ko ay ramdam na ramdam ko ang kaba ko. Bumalik lahat sa akin ang nangyari ngayon. Nawala ang pagbagal sa tainga ko—hindi ko na naririnig ang t***k ng puso ko.
Tatakbo na sana ako kay Light nang biglang may pumutok. Nabasag ang katabing base ko kaya’t nakita ko ang bukas na bintanang pinanggalingan ng bala.
Another loud bang shook the air. I felt Mom's warm blood gush out, soaking my skin. Kung kanina ay nakapa ko lamang ang dugo sa braso niya. Ngayon ay tumalsik ang dugo sa aking mukha. Her arms wrapped around me like a vice, pulling me close.
Mama's eyes locked onto mine, filled with a mix of fear and love—but suddenly I saw her little smile before she shut her eyes.
Parehas kaming nahiga sa sahig. I stumbled back, screaming soundlessly as I stared at her lifeless eyes. Gusto kong sumigaw, ngunit tanging pagmuo lamang ng luha ang nagawa ko.
“Bilisan niyo!” Malakas ang sigaw ni Daddy, nang maramdaman kong may mga humila na sa amin. Kasunod no’n ang ilang pang baril at ganoon na lamang ang pagtalsik ko nang mabaril ako sa aking braso, habang hila-hila ako ng mga gwardya ni Daddy.
Royce Light pull me and hug me. Halos tinakpan ng malaking katawan niya ang katawan ko nang makalabas kami sa kwarto. Hindi ko maramdaman ang sugat ko ang naiisip ko lang ay ang dugo ni Mommy—onto my face, into my soul.
“Cloth! Any cloth! Now!” Halos malakas na boses ni Light sa kasambahay namin. Ang bigat… ang bigat-bigat na sa puntong bigla na lamang akong nawalan ng malay.
“Lucia? Shopping again? Hindi ka pa eighteen pero—you spent like a woman, ha!” Itinago ko ang mga paper bags sa likod ko, nang makita kong buksan ni Mommy ang palad niya.
Tumaas ang dalawang kilay niya at animo’y may hinihintay na ibigay ko.
“Fine!” Saka ko kinuha sa bag ang credit card ng Mommy. “Sabi mo, school projects lang? Paano naging school projects iyang Prada at Hermès?” Tanong pa niya sa akin.
“Sorry… can’t resist…”
“It’s okay, baby. Huwag mo na ulitin, okay? Kung kay Daddy mo ay uubra ‘yan, sa akin ay hindi.” Saka naman niya ako hinalikan sa noo.
“Sige na at iayos mo na ‘yan. Ilagay mo sa walk in closets mo. Magpapalagay tayo ng for bags mo roon.” Halos sobrang saya ko nang marinig iyon. Napapanood ko lamang iyon sa mga artist at sa mga movies!
“I love you so much, Mommy!”
“I love you more, sweetie. I’ll catch bullets for my little baby…” ani niya sa akin…
Halos para akong hingal na hingal nang magising ako. Puro puti lamang ang nakita ko—tinignan ko kung sino ang katabi ko. I saw Light holding my left hand. Natutulog siya at nakapatong ang ulo sa kama.
Mabilis kong nilibot ng tingin kung sino pa ang kasama ko. Naramdaman ko ang hirap kong paglunok, parang nag-iinit ang bunganga ko. Ilang oras ba akong tulog?
When I realized what happened… Si Mommy! Mabilis kong inalis ang pagkakahawak ni Light sa kamay ko. Hindi naman siya nagising kaya’t tatayo na sana ako, nang maramdaman ko ang paghapdi ng braso ko at ang nakaturok sa ugat ko.
Nakalabas ako ng pinto. Wala na akong pakialam kung natulo ang dugo mula sa ugat ko. Hawak-hawak ko ang dingding nang may makita akong nurse. Tila nataranta naman ito at lumapit sa akin, ganoon na lamang ang gulat ko ng mga guards ni Daddy ang nasa gilid.
“Where’s Mom? How’s my Mom?” Tanong ko sa nurse na lumapit sa akin. “Ma’am, balik tayo sa loob, Ma’am.” Ngunit inalis ko lamang ang kamay niya.
“I’m f*****g asking you! Where’s my Mom!” Tumulo pa ang luha ko, nang hindi niya ako sagutin. Kaya’t itinulak ko siya para lamang makadaan at sumilip sa mga pinto kung nasaan si Mommy. Alam kong buhay pa si Mommy. Hindi niya ako iiwan.
“Ma’am Lucia,” tawag ng mga guards sa akin, pero naharangan naman nila ako. “Kuya? Asan ang M-Mommy?” Naiiyak kong tanong sa gwardya ng Daddy nang umiling naman ito. Bakas sa mukha niya ang gusto nitong isagot. Nanghina ang braso ko… tila nawalan ng lakas.
“You’re joking, right? Nasa kabilang kwarto si Mommy!” Sigaw ko at akmang tatakbo, but someone pulled me away, lifted me up. I kicked and screamed, trying to find my Mom. Even tho I know that she was gone.
I cried… halos malakas ang iyak ko nang maipasok ako ni Light sa loob muli ng kwarto. Bumukas pa muli ang pintuan nang makita ko ang Daddy.
I stared at Papa, my eyes blazing with hatred. "You did this," I spat, my voice barely above a whisper. "You killed Mommy." Hindi ko maisigaw iyon, nang maramdaman kong may tumurok sa braso ko.
It actually calmed me— my body, but not my heart. Not my soul…
Bago pa pumikit ang mata ko ay narinig ko na ang Daddy, “Light, take Lucia to Switzerland. Huwag mo muna siyang papauwiin dito. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.” In that moment, I knew I'd never be the same again. Mom's death had shattered me, leaving a gaping hole that could never be filled.