Kinabukasan, nag-kita kita nga sila sa bahay nina Lance.
"Tara na!" sabi ni Archibald
"Ilang oras nga ang byahe?" tanong ni Rene
"5-6 hours siguro" sabi naman ni Lance
"sige" sabi ni Rene "tara na!"
Lumipas ang mahigit apat na oras ay nasa Catanuan, Quezon na sila. Biglang nagising ang lahat nung biglang preno ni Rene.
"Rene" sabi ni Archibald "ano ba iyan?"
"sorry" sabi nito "may biglang dumaan na matnda – muntikan ko ng mabangga"
"dahan-dahan lang" sabi ni Neil
"tara na" sabi ni Archibald
Dan Chris Salvania
"Teka lang guys, naiihi ako"
Kanina ko pa ito tinitiis, hindi lang ako makabwelo para magsabi nakakahiya kasi. At narinig ko si Loiusse na nagsalita.
"Ako rin!" saad nito
Bago kami nakababa narinig ko si Julius na sumigaw.
"Bilisan ninyo!"
Kumaripas na kami ng takbo para maghanap ng maiihian
"Louisse, saan ang pwede?" tanong ko dito
"Aba'y malay ko, hindi ako taga dito" saad nito "Putcha naman, walang kwenta" reklamo ko sa isip ko. Makalipas ang ilang sandali nakahanap na kami ng pwede naming ihian
"Pre, doon tayo sa likod ng Balete" saad ko
"Huwag doon pare baka may nuno"saad nito
"Ano ka ba bata? Ang tanda- tanda mo na naniniwala ka pa sa mga ganon"reklamo ko
"H'wag na lang doon pre" saad nito
"Bahala ka sa buhay mo, kanina pa ako naiihi" saad ko
Tumakbo na ako sa may balete para umihi. Nakita ko si Louisse na sumunod.
"Tamo susunod ka rin naman pala"
Nagpatuloy pa rin ako sa pag-ihi, maya-maya may nagsalita sa aking likod. Nagulat ako dahil bigla na lang itong umimik.
"Meron may galit sa inyo, huwag na kayong pumunta.... Mamamatay kayo. Bumalik na kayo!" napalingon ako sa aking likod at nanlaki yung aking mga mata noong nakita ko kung sino ito. Ito yung matandang lalake na muntik nanaming masagasaan kanina. Hindi ko na tinapos ang aking pagihi at ganun din si Louisse. Tumakbo na kami ni Louisse at nakita ko ang aking pantalon ay basang- basa. Hindi ko na ito pinansin, magpapalit na lang ako mamaya....
Rene Napeñas
Lumipas ang halos limang minuto ay nakita na namin sina DanChris. Tumatakbo ang mga ito na para bang may humahabol.
"Pre, buksan ninyo to!" sigaw ni Dan Chris.
Pinindot ko na yung unlock button ng aming sasakyan. At nakita ko ang mga ito na nagmamadaling pumasok.
"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Archibald
"Mata-matanda" hinangal na tugon ni DanChris habang naghahabol ng hininga
"Matanda?" sabi ko habang nakangiti
"Oo yung matanda" sabi ni danChris "yung muntikan mo na mabangga"
"anong meron?" tanong ko
"kanina habang kami naihi ay biglang lumitaw sa aming likod at nagwika ng – merong may galit sa inyo, huwag na kayong pumunta.... Mamamatay kayo. Bumalik na kayo"
Napalingon kami sa likod nung may narinig akong tumawa. At nakita namin na si Lance habang tumatawa ng wagas habang naka-hawak sa kanyang tiyan.
"bakit ka tumatawa?" tanong ni Archibald
"sorry" sabi ni Lance "hindi ko lang mapigilan – yung matanda na sinasabi mo ay naencounter ko na dati at the same din ang sinabi niya sa akin"
Nakita kong nagrelax ang aking mga kaklase. Nanatili pa kami ng halos sampung minuto bago pa kami umalis.
Lance Cortez
Nakalagpas na kami sa Mulanay, Quezon.
"Classmates" sigaw ko para makuha ko ang atensyon ng mga ito "We're here – Welcome to San Francisco, Quezon"
Pinarada na namin ang aming sasakyan sa loob ng simbahan. At pagkatapos naming magparada ay dumeritso na agad kami sa dalampasigan kung nasaan ang sasakyang bangka papuntang isla. At noong nandoon na kami
"Tara na guys" aya ko sa mga ito "ito ang sasakyan natin" dagdag ko habang tinatanggal ang tali sa may puno
"Pre safe ba yan?" tanong ni Gep
"Oo nga, mukhang luma na!" batos ni Airiek
"Baka tayo lumubog nan?" tanong ni Dave
"Ano ba guys, ang aarte ninyo naman kung ayaw ninyo edi wag kayong sumakay bahala kayo dito" iritang sagot ni Archibald
"Joke lang Archie, ito naman hindi mabiro" saad ni Gep
"Guys, safe ito promise at ito lang ang pwedeng makapunta doon kasi malalaki ang alon at walang pangpasaherong bangka ang napunta doon kasi kinakatakutan yun" sabi ko sa mga ito
"Kinakatakutan?" tanong ni Louisse
"Bakit? sangat ni Grant
"Dahil nga sa malalaki ang mga alon doon" sagot ko "Ah!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito
"Tara na baka abutan pa tayo ng dilim sa laot, mahirap na" saad ni Archibald
Sumakay na kami ng bangka at makalipas ang 45 minutes na pagbyahe sa laot natanaw na namin yong isla.
"Yon na ba yun?" tanong ni Reniel habang tinuturo yung isla
"Nakakatakot!" takot na sambit ni Bryan
"Mukhang abandon island" saad ni Mikko
"May kapit bahay ba kayo diyan?" tanong ni Marco
"Wala eh! Ang kapit bahay lang namin yung katabing isa ng mga Francisco at isla kasi ito ng mga ninuno namin para sa mga Cortez at pinapamana ito sa bawat panganay ng pamilya" pagpapaliwanag ko sa mga ito
Sumasadsad na yung bangka sa dalampasigan
"Guys tara na" paanyaya ko sa mga ito
"Scary pero mukhang magiging masaya ito" saad ni Archibald.
"Teka lang may kuryente ba dito?" tanong ni Ranji. "Oo meron, may sarili kaming malaking generator, ang wala lang namin dito ay signal, mahirap makahanap ng signal dito" sabi ko sa mga ito
Isa-isa nilang tiningnan ang kanilang cellphone.
"Do you mean that wala rin kayong wifi?" reklamo ni Ariel
"Ang arte nito" saad ni Fheil
"Oo nga, makareact ka man parang mamamatay ka na" saad ni Rene
"Tama na yan, tara na ipapakita ko sa inyo yung bahay na tutuluyan natin" nakangiting sabi ko habang tumatalikod sa mga ito
Rommel Camonias
Naglakad pa kami ng halos sampung minuto bago marating namin ang bahay na tutuluyan namin,
"Ito yung tutuluyan natin? parang palasyo?tanong ni Dave na mukhang hindi makapaniwala
Sobrang laki nga nung bahay, pero nakakatakot yung aura, para bang pang horror house sa mga movies. "Ang laki!" saad ni Julius
"Hindi malaki, sobrang laki" manghang sagot ni Emman
"Mukhang haunted house" saad ni Fheil
"Syempre, 300 years old na yung bahay kaya ganyan ang itsura, paliwanag ni Bernand"
"Lance, may tanong ako, bakit mukhang malinis dito at bagong tabas yung mga d**o, sabi mo walang tao dito" pagtatakang tanong ni John Chris
"A, e... Wala talagang tao dito pero may napuntang tao dito sina Mang Nestor at si Manang Esther para maglinis at panitilihin ang kaayusan ng bahay. Once a week lang sila napunta dito" nakangiting saad ni Lance
"Tara na sa loob, aya ko sa mga ito dahil excited na akong makapasok sa loob
At nung nakapasok na kami sa loob ay bigla na lang kaming napawow, dahil hindi katulad sa labas na nakakatakot. Ang loob ng bahay ay para akong nasa america. Napakamoderno ang loob nito. Ang mga gamit nito ay halatang mamahalin.