Chapter 4

1425 Words
Airiek Malicdem Ano ba yan! reklamo ko.. sinumulan ko na ang laro, Tago-taguan, maliwanag ang buwan pagkabilang ko nang tatlo nakatago na kayo, isa..........dalawa........... tatlo.....pagharap ko sumalubong sa akin ay ang malamig na simoy ng hangin at ang kadiliman ng paligid pero salamat sa liwanag ng buwan nabibigyan ito ng kakaibang ganda. Takte nakakapanglaw pero ang ganda panginstagram to, saad ko sa sarili ko habang nakuha ako ng mga litrato at pagkatapos kong kumuha ng litrato ay nagsimula na ako maghanap... makalipas ang limang minuto ay wala pa rin akong nahanap. Takte yan ang gagaling ng mga kaklase kong magtago, naghanap pa rin ako hanggang sa napadpad ako sa likod ng bahay sa may tubuhan... nagsimula na akong maghanap pero wala pa rin akong makita hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa may dulo ng tubuhan, at nagmadali agad akong pumunta doon. Marco Cada Tago-taguan maliwanag ang buwan pagkabilang ko ng tatlo nakatago na kayo isa.... dalawa... tatlo... ito ang huli kong narinig kay Airiek habang naghahanap ako ng pweding taguan. Saan kaya ako pwedeng magtago? Bawal sa loob ng bahay, saan kaya? Aha! Doon sa may tubuhan, hindi ako makikita doon ni Airiek. Kumaripas na ako ng takbo papuntang tubuhan. Umupo na ako para magtago, mabuti na lang maliwanag ang buwan hindi nakakatakot na magtago dito. Makalipas ang limang minuto ay may narinig akong mga kaluskos mula sa harapan ko. Nakita ko si Airiek naghahanap pa rin, hahaha hindi niya ako nakita. Pinagmasdan ko si Airiek na papalayo sa aking kinatatayuan. Safe talaga ako dito, saad ko. May narinig nanaman akong mga munting kaluskos sa aking likuran. Sino yan? tanong ko, nagsimulang magsitayuan ang aking mga balahibo. Sino yan? tanong ko ng may mas malakas na boses pero wala pa ring sagot. Tumayo na ako para umalis subalit napatigil ako noong may narinig akong pagtawag sa aking pangalan. Marco?... lilingon sana ako sa aking likod subalit may biglang humampas sa aking ulo na matigas na bagay para itong kahoy, ito ang huli kong naalala bago ako nawalan ng malay. Airiek Malicdem Nagmadali akong tumungo kung saan nagmumula 'yong mga ingay. Noong nandoon na ako nadismaya ako dahil hindi ko kaklase ang nakita ko kundi isang baboy, baboy na nakatali sa isang puno. Napagdisyunan ko na maghanap sa ibang parte ng bahay pero bago ko sila mahanap sa may narinig akong sigaw mula sa harapan ng bahay. "Save" sigaw ni Bernard Naglabasan na rin yung iba. "Ang hirap ninyong hanapin e" reklamo ko "Hala, apat na yung mata mo hindi mo pa rin kami nakita" saad ni Fheil "Babawi ako, promise!" Pangako ko "Guys, have you seen Marco?" saad ni Archibald. Tiningnan namin ang bawat isa, "si Marco wala?" saad ni Dave "Hindi nandito, di ba nga wala..ang syunga mo talaga e" sabi ko dito habang nakangiti "Baka may nakilalang babae diyan" saad ni Rene "Tange! Walang ibang tao dito kundi tayo lang" nakangiting saad ni Gep. "Let's wait for him" saad ni Rommel. Makalipas ang sampung minuto ay walang Marcong lumabas. Nagsimula na kaming kabahan. "Guys baka napano yun, alam naman natin na may pagka abno yun" saad ni Louisse "At isa pa medyo PTT (Patangatanga) yun" saad ni Ranji "Tara hanapin natin" saad ni Julius "Good idea, maghiwa-hiwalay tayo para madali nating mahanap si Marco" saad ni Archibald "I think, it is not a good idea kasi masyado dilikado sa gubat" saad ni Lance "Oo nga at nakakatakot, what if may aswang diyan o manananggal tas kainin tayo" saad ni Grant "Ano ba guys iniisip ninyo pa yan, kaklase natin yung nawawala" saad ni Archibald "Pero... " iimik sana si Grant subalit naputol ito noong nagsalita ulit si Archibald. "Wala ng pero pero, basta hanapin niyo na lang" Marco Cada Napabalikwas ako noong may naramdam akong malamig na likido na tumama sa aking katawan. Tubig ata to, hindi pala bakit may amoy, amoy gasolina? "Anong ginagawa mo?" "Pakawalan mo ako" saad ko pero hindi ito sumasagot nagpatuloy pa rin ito sa pagbuhus ng gasolina sa aking katawan. "Sino ka?" tanong ko Tumawa lang ito ng malakas "Pakawalan mo ako, please maawa ka?" "Ano ba ang ginawa ko sayo?" pakiusap ko "Hindi mo alam? Putcha naman Marco ang abno mo talaga... sabihin mo na kung ano ang ginawa ninyo!" sabi nito "Ano ba ang pinagsasasabi mo?" sigaw ko. "Huwag kang sumigaw naiirita ako" "Maawa ka please" saad ko "Ako maawa sa'yo never" sabay tanggal nito ang aking blindfold. Laking gulat ko noong makilala ko ito. Napapikit ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan dito dahil nakakatakot ang mga mata nito nanlilisik at punong-puno ng galit at poot hanggang sa may narinig akong kus-kus ng posporo at ng nagmulat na ako ay bigla nitong binato sa akin yong posporo na may apoy. "Good bye Marco!" ang huli kong narinig sa kanya bago ako tuluyang lamunin ng apoy. Grant Rey Natatakot talaga ako, lalo na ngayon nawawala si Marco. "Marco, nasaan ka ba?" sigaw ko Ang daming mga kuro-kuro ang pumasok sa aking isipan. What if may aswang nga dito o kapre or cannibal papaano na yan! nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap, hanggang sa makakita ako sa malayo ng isang pigura ng tao, mukhang may hinahabol ito. Baka si Marco na ito. "Marco!" sigaw ko. "Hintayin mo ako, saan ka ba pupunta?" sigaw ko ulit pero hindi ito tumigil at patuloy pa rin sa pagtakbo, hanggang sa makarating ito sa maliit na bahay. Tumigil ito at pumasok sa loob. Noong nakarating na ako doon sa bahay ay nagdalawang isip ako dahil nagsimula na akong matakot. Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya. "Takte ano ba yan tinatakot ko nanaman ang aking sarili, walang aswang dito" pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Kumatok muna ako pero walang sumasagot pinihit ko yong doorknob at binuksan ito, pagbukas ko ang sumalubong sa akin ang masangsang na amoy, hindi ko mawari kung ano ito mukhang hayop na nabubulok. "Ano ba yan ang baho, tao opo?" "May tao ba diyan?" sigaw ko Noong papasok na ako sa loob ng bahay ay nabuslot ako sa isang malaking butas na parang ginawa ito para sa tao. Huli ko na itong naisip at tuluyan na akong nalaglag sa baba. Pagbagsak ko nakaaninag ako ng isang pigura ng tao, "Marco ikaw ba yan?" ito yung huli kong nasambit bago ako mawalan ng malay. Louisse Riego "Marco, nasaan ka na? sigaw ko... nasaan na ba ito, lagi na lang pa VIP kulang talaga ito sa pansin," reklamo ko "Marco nasaan ka?" sigaw ko ulit "Mar –" hindi ko na natuloy ang aking pagsigaw dahil nakita ko si Grant na tumatakbo "Grant pasaan ka?" sigaw ko subalit hindi niya ako narinig. "Grant?" Ulit ko pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo, parang may hinahabol ito Sinundan ko ito – "Grant hintayin mo ako, pasaan ka ba?" Papalayo na ako sa bahay pero hindi ko na ito inintindi. Hinabol ko parin si Grant kaso noong napalingat ako ay nawala na ito sa aking paningin. Tumingin ako sa aking paligid puro puno lang ang nakikita ko "Graaaaannnnttt?" sigaw ko. Takte naligaw na ako, papaano na ako makakauwi nito? Napagdesisyunan ko ng maglakad pabalik subalit hindi ko pa rin makita yong bahay. "Guys? Nasaan na kayo?" sigaw ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng isang lalake na nakatalikod, hindi ako pwedeng magkamali si Marco ito. "Marco!" sigaw ko subalit hindi ito naharap. Lumapit ako dito "Mar –" hindi ko na natuloy yong sasabihin ko nung humarap na si Marco, nagimbal ako ng makita ko ang itsura ni Marco sunog ang buong katawan nito. "Help me" saad nito Napaatras ako at natalisud. Bumagsak ako sa lupa. Aray! Sigaw ko at noong nakabawi ako ng lakas ay tumingin agad ako kay Marco subalit wala na ito sa kanyang kinatatayuan. Nagsimula ng tumayo ang mga balahibo ko at biglang humangin ng malakas. Tumayo na ako at nagsimulang tumakbo, tumakbo ako ng tumakbo kahit na hindi ko alam kung saan ako tutungo, sobrang g**o ng isipan ko hanggang sa makakita ako ng maliit na bahay. Nagtungo agad ako doon at nagbaka sakali na may tao doon para matulungan ako makabalik sa bahay nina Lance. At noong nandoon na ako agad akong kumatok sa pinto pero walang sumasagot, pinihit ko yong doorknob at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ang sumalubong sa akin ay kadiliman at may masangsang na amoy, hindi ko mawari kung ano ito parang nabubulok na hayop. Humakbang ako papasok at bigla akong nabuslot sa isang malaking butas. At ito ang huli kong naalala bago ako nawalaan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD