Kabanata 7 | Riding Boots

1173 Words
PUMASOK SA MANSION si Tonyang at tinungo ang kuwarto ni Usting. Katapat iyon ng kuwarto niya sa kaliwang banda sa ikalawang palapag ng bahay. Iyon ang kuwartong pinagamit ng kaniyang mga kakambal sa bisita ng kanilang ama. Katabi nito ang kuwarto ni Andong. At sa pinaka-bandang dulo ang kuwarto ng kanilang mga magulang. May kuwarto rin ang kapatid ng kaniyang ama na si Ondrea, Diwata at Buhawi. Maging ang kaniyang grandparents kahit namamalagi ang mga ito sa Estados Unidos ay may nakalaang silid sa hacienda. Sa kanang banda naman iyon at ang hindi maaring galawin ang master bedroom. Ang kuwarto ni Norberto Echeverria at ng kaniyang lulubog-lilitaw na lola sa tuhod ni Tonyang. Kakatok na sana si Tonyang sa pintuan ng silid ni Logan ngunit naisipan niyang tingnan muli ang sarili sa salamin. "You look just fine, Antoinette Thalia!" Pakiramdam ni Tonyang para siyang nainkanto. Bigla na lamang siyang na-conscious sa kaniyang itsura.Dahil kaya 'yon sa papuri ni Logan sa kaniya? May excitement at kilig sa kaibuturan ng puso niya na makita at makasamang muli ang binata. Then she received a text message. Tres Mujeres Chat Conversation. Message Received. Princess Ayesha: [Where are you, Antoinette?] Queen Cheska: [Bilisan mo raw atat na si Ayesha makita si Macoy.] Duchess Tonyang: [Hahaha! Chillax princess. You will be with your prince charming today. Be there in five.] Tonyang turned her cellular phone off at siniksik sa kaniyang bulsa. Nagpabalik-balik muna ito sa pasilyo bago nag-desisyong kumatok sa pintuan ng kuwarto na inuokupa ni Logan. Ilalapat na sana ni Tonyang ang kanang kamay na naka-knuckles sa pintuan ng biglang bumukas ito. Niluwa nito ang bagong ligong bisita. Basang-basa pa ang buhok nito. Nakasuot ito ng rugged jeans at puting t-shirt. "Good morning, Thalia!" bati nito sa kaniya. "M-morning," sagot ni Tonyang na nagkanda bulol pa. ‘Umayos ka Tonyang!’ pagalit na bulong niya sa sarili. Mahahalata na siya sa kinikilos niya. "I - I . . . I'm about to go to your—" "Sa kuwarto ko? Bakit?" "Don't overthink, baby. I meant to ask if this outfit is okay for strolling around today?" Namula at nag-init ang mukha ni Tonyang. Pakiramdam niya napahiya siya sa tanong niya rito.’Maramdaman kaya niya may lihim akong paghanga sa kaniya?’ Bagkus na tingnan ang kausap, she stummered and excused herself. "Huh? Oh, ah . . . be right back." Tumakbo si Tonyang sa kabilang kuwarto at kinuha ang isa sa kaniyang mga cowboy hats. Mayro'n siyang istilong panbabae at panlalaki. Kinuha niya iyong kulay tsokolate. "Here." HINDI IYON INABOT ni Logan bagkus tinitigan lamang siya. Matapos ay itinuro nito ang ulo niya matapos ay kinindatan ang dalaga. Wala namang pagaatubuli na tumingkayad si Tonyang at sinuot nito sa binata ang sombrero. Matapos ay tiningnan ang suot nito sa paa. Naka-leather oxford shoes ito. "Hindi mo maaring gamitin ang sapatos na ‘yan. Masukal ang daan papunta sa rancho," wika ni Tonyang. Hindi iyon masukal kundi maraming nagkalat na mga boulders. Umalis ulit si Tonyang at kumatok sa kuwarto ng kaniyang magulang. "Papa!" "Anak ang aga-aga. Sumisigaw ka," bati ng kaniyang ina. "Mama,pahiram ng riding boots ni Papa. Walang sapatos si Wes—Kuya Logan." Narinig iyon ni Ethan kaya kumuha ito sa walk-in closet ng brown na riding boots. Hindi pa iyon nagagamit. Lahat iyon ay customized dahil sa desenyong tatak eksklusibo sa mga Echeverria. Ganoon rin ang mga sapatos ng mga kambal ni Tonyang. Inabot ni Ethan sa anak ang sapatos. “Here. Give this to Logan, Baby Girl. Tell him he can keep the boots." "Salamat, Pa." "Ang napagusapan natin kagabi, Tonyang." "Yes, Papa." "Be home at seven, Tonyang. We have a family dinner with your cousins. Darating ang Lolo Bernard mo." "Pa, we might go camping sa tabing-ilog." "Tonyang. 7 PM sharp." Tumango lamang si Tonyang. Matapos talikuran ang mga magulang binalikan nito si Logan habang bitbit ang bota. Nakasandal ito sa pader habang naka-krus ang mga braso sa dibdib. "Sorry, took me awhile. Hope that’s your shoe size. Change your shoes na so we can go,"wika ni Tonyang sa pautos na pamamaraan. "Masusunod, mahal na reyna." "Tse! Hintayin kita sa baba,” pagtataray niya rito. Subalit dumadagondong naman sa tuwa ang kaniyang puso. Tumakbo na siya paalis sa harapan nito para hindi makita na namumula ang kaniyang mukha at hindi niya matago ang kilig na nararamdaman.Para siyang nag-fan girling sa mga crushes na artista. Katulad ni Ayesha at Cheska kapag nakikita si Macoy. Alam niyang gusto rin ni Cheska si Macoy pero nagpaubaya ito para kay Ayesha. Nagsisimula na kayang umusbong ang kaniyang lihim na pagsinta sa binata? Hindi nagtagal patakbong lumabas ang binata patungo sa tarangkahan ng mansyon.Inasahan ni Logan na dalawang kabayo ngunit iisa lamang ang kaniyang nakikita. Sumampa na si Tonyang pagkakita sa binata na papalabas na ng bahay. "Hop in!" aniya. "Sasakay tayong dalawa sa iisang kabayo?" tanong nito, matapos ay sumilay ang ngiti ng binata. "Yeap, ride with me. Puwede ka naman maglakad na lang,” mataray naman na sagot ni Tonyang rito. "Of course, I’ll choose to ride with you,baby," sagot ni Logan na ngumiti ng nakakaloko sabay kindat kay Tonyang. Marunong naman si Logan mangabayao ngunit naisipan niyang magkunwaring walang alam. Best moves are done in unexpected moments. Kapag binilisan ni Tonyang ang pagpapatakbo sa kabayo ay yayakap siya rito. Tonyang clicked her tongue and started to make the horse move. Una ay palakad-lakad lamang ito hanggang sa bumibilis na. Nang makarating sa kapatagan matulin nitong pinatakbo ang kabayo. Hindi mawari ni Logan ang gagawin. Kung saan siya kakapit. "For Chrissake! You are a hustler rider!" "Slight lang!" aniya habang tumatawa. "Slight? Mamatay ako sa kaba." "Oh, don't be a p***y, West. Man up!" "What have you said? Sabi ko 'wag kang parang baklush lalamya-lamya." "I'm not gay." "Okay, sabi mo,eh," turan ni Tonyang. Matalas ang dila ni Tonyang at balahura kung magsalita. Natanaw na ni Tonyang ang mansyon nila Ayesha. Saktong namataan nito si Macoy. "Macoy!" sigaw ni Tonyang. "Antoinette, naparito ka. May nangyari ba kay Ayesha?" "Uy, concern siya," bulong ni Tonyang na halos siya lamang ang nakarinig. "Macoy ito pala si Logan.Bisita ni Papa galing Maynila." "Ikinagagalak kitang makilala," ani Macoy at inabot ang kamay kay Logan. "Ba't narito ka? Hindi ba't bukas pa ang uwi ni Ayesha?" "Bakit mo alam?" "Iyon ang sabi ng daddy niya." "Ah," tango-tango si Tonyang at sumilay ang ngiti nito. "Okay lang ba siya?" nag-aalang tanong ni Macoy habang kunot ang noo at nagsasalubong na ang mga kilay nito. 'Bahala na si Batman. I have to do this for Ayesha.' "Sa palagay ko magiging okay kung pupuntahan mo siya." "May masama ngang nangyari?" Hindi kumibo si Tonyang. Matapos nagkatinginan sila. "So,pupunta ka? Kikitain mo si Ayesha?" "Kukuha lang ako ng kabayo. Nasaan ba siya?" "Walang bawian, Macoy! Sa tabing-ilog!" Iyon lamang at pinatalilis na ni Tonyang ang kabayo papunta sa tabing-ilog. Nang makarating si Tonyang sa tagpuan nila. Naging sambakol agad ang pagmumukha ni Ayesha ng hindi nito nakita si Macoy. "Busy ba?" "Marami raw gawa," sagot ni Tonyang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD