NAPAATRAS si Chasty nang makita siya. This weird beating of her heart keeps her anxious.
Tumalikod siya ng mabilis at tinungo ang hagdan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin lalapitan ba niya si Theo? But she is running away now.
She shut the door and leaned on it. Napapikit siya at saglit na napangiti nang mapagtanto nito ang kilos.
“Are you sick?” she asked.
“Of course not, malakas ang pangangatawan ko, nataranta lang ako,” pangungusap nito sa sarili.
“Hinga ng malalim, Chastity. Ilusyon mo lang ‘to. Of course baka naman gawain na niya ipaghanda ang sarili, huwag ka nga umasa na ipinagluluto ka,” she slapped her face a little.
“Sige ganito na lang,” napaisip siya habang nakadiin ang palad sa noo nito at nakayuko.
“Mag-aayos?”
“Huh? Mag-aayos para saan? Naloloka ka ba?”
Maraming naiisip pero hindi makapagdesisyon. She rushed on the side table next to her bed and picked up her phone. She dialed a number and now it rings. May sumagot mula sa kabilang linya.
“Ch-chas,” saad ng boses na tila napipilitan magsalita dahil namamaos pa. Halatang kagigising lang ni Kaylee.
“What do i do?” tanong niya na natataranta.
“Come again?” namamaos pa rin ang boses ni Kaylee.
“He- ganito kasi ‘yon, si Theo—“
“Oh? Si Theo?” Biglang masigla na ang tinig nito pero siglang may kaba kung pakikinggan. “What happened?”
“Ano kasi—“ napakagat labi at di mapakali.
“Chas please lang ha? Sabihin mo naman agad, alam mo ba na kagigising ko lang? Isa pa ang aga-aga naman pinakakaba mo ako, gusto mo ba puntahan kita?”
“No, no need. I am sorry. Nagulat kasi ako,” saad niya.
“May nangyari na?” halatang sabik ang boses nito.
“Hindi ‘yon. Ito naman nagmamadali.”
“Eh ano nga? Ikaw ha kung ibababa ko na ang tawag na ‘to kasi nasa hotel ako and I had a bang last night, at sa totoo lang,” usal ni Kaylee na napipikon. “Katabi ko pa si Bernand utang na loob,” pabulong niyang sabi.
“Oh! Wrong time,” napangiwi si Chas. “Ano ba dapat kong gawin? I was planning to cook for breakfast, kasi kahapon naparito siya maaga pa at sinamahan ako kumain. And now he is cooking in the kitchen, ano gagawin ko?” mabilis niyang sinabi sa kaibigan.
“Ah ‘yan pala ang problema? Ano ang gagawin mo?”
“Gan’on na nga?” she replied.
“Ganito ha, sigurado ako na kahit french kiss wala pa nangyayari, sa lagay mo na ‘yan natataranta na sa breakfast pa lang, Chastity nag-asawa ka na. Ano ‘yan? Bahay-bahayan? Pinagloloko mo ba sarili mo? Kung hindi niya magawa magfirst move, ikaw na gumawa ng paraan. Bumaba ka, tapos lahat ng katulong niyo paalisin niyo, o di kaya mag-cruise kayong dalawa, utang na loob, huwag mo ako iniistorbo ang sakit pa ng ulo ko, naparami ang inom ko kagabi.” Nagtatalak si Kaylee.
“Hey! Thats too much, okay. Forgive me. Goodbye!”
She shut down her phone. Maya-maya pa ay napagod na ito sa pabalik-balik na lakad. Pilit na pinakakalma ang sarili.
Naupos siya at napapikit ng mata habang nakasandal sa couch. Parang nawindang bigla si Chasty. Hindi siya ang tipo na bigla na lang mawawala sa sarili. Pero ngayon tila ba may kung ano na nag-iba sa kaniya.
Hindi na niya matiis ang hindi lumabas kung kaya ay inayos nito ang sarili at nagdesisyon na bumaba.
“Kunwari wala akong alam. I did not know he is here. I didnt see him in the kitchen. Wala siya rito.”
Pagkarating niya sa kitchen ay ang katulong na ang naroroon. She looked around the corners pero hindi niya nakita si Theo. She want to ask pero pinili na manahimik. Biglang nag-iba ang pakiramdam niya. Kanina para siya g tsubibo na hindi mapakali. Ngayon ay biglang lumamig ang katawan niya. She did not move yet, nag-iisip kung babalik pa sa kwarto o pupunta sa garden.
Maya-maya pa ay naisipan na niya umalis.
Pero akmang iikot na sana ito nang bigla na lang may humarang sa daan niya.
She bumped into something hard and wide.
Bumungad ang polong puting-puti at nalanghap niya ang perfume na para bang hindi niya aayawan na amuyin. Napapikit siya na nalanghap ang bango na ‘yon. Pakiramdam niya ay tinatangay siya ng dahan-dahan sa alapaap.
Pero namulat ang mga mata niyang naramdaman ang mainit na pagdapo ang hangin sa kaniyang pisngi. Bigla na lang—
“Looking for me?” a cold voice asked but a bit teasing.
She opened her eyes and caught an inch with Theo. Her eyes dilated in shame. Kaya napangiti ng pilit na tila magsasalubungan na hindi ang kaniyang kilay samantalang ang bibig nito ay pilit na hindi ngumiti.
“Huh?” napaatras siya ng bahagya. “Hindi ah,” pagsisinungaling niya. She clipped her lip and her dimples greeted Theo’s sight.
“You got dimples?” he asked her.
Hindi namalayan ni Chasty na ang kaninang namumutla niyang mukha nang magkasalubong ang kanilang tingin ay ngayo’y namumula na.
Lihim na napangita si Theo. Tinitingnan lang niya si Chasty na ngayon ay nagbaling ng tingin sa kung saan.
“A-amelia!” tinawag ito ni Chasty.
Theo loosen his self from looking at her. Napalunok na lang siya at biglang nabasag ang kung anuman na mayroon kanina.
“Excuse me kailangan ko nga pala si Amelia. Ang daming ipis sa kwarto ko, hindi ako nakatulog kagabi.” Dali-dali siyang lumayo kay Theo at pinuntahan si Amelia.
Theo looked at her while she walks away. Nakapamaywang siya at sa hindi niya inakala na ang Chasty na tila tahimik ngayon ay iba.
Hinayaan na lang niya si Amelia at Chasty na mag-usap. Sumenyas ito kay Lourdes na ipaghain na sila ng agahan.
Tumungo si Theo sa gazeebo na nakapwesto sa likod na bahagi. Doon niya pinahain ang kanilang agahan.
“Sir si Alistair nga po pala sabi ng nurse niya, nagwawala daw kagabi. Hindi na naman daw po natulog.” Sumbong ni Lourdes na lumapit habang tulak ang rolling service tray na naglalaman ng agahan ng dalawa.
“Hayaan mo dadaanan ko mamaya,” saad niya.
Sumunod si Theo sa gazeebo. Naupo na siya roon at pinatawag na lang niya si Chasty.
Ilang minuto pa ay dumating na ito at nagtaka na kung ano ang mayroon. Naupo siya sa tapat na upuan ni Theo.
She didnt say a word but deep inside, she wanted to ask him a lot of questions.
“Hope you like,” sabi ni Theo. Kung alam niya lang gaano nag-react si Chasty nang makita siyang naghahanda nga agahan.
“May ganito pala rito?” basag niya sa katahimikan habang abala si Theo sa pagkain.
“Matagal na ‘to. Ngayon na nga lang ulit napuntahan,” sabi ni Theo.
“Bakit ang aga mo?” tanong ni Chasty. Kung ano na lang ang maisip niya sabihin.
“You want me to tell you why?”
Tumango siya pero biglang binawi. “Nope!”
Tuloy sa pagsubo si Theo.
“I think you should try this,” kumuha si Theo ng keso at akma niya sana ilalagay sa pinggan ni Chasty.
“Oh! Thanks pero—“ mabilis niya itong pinigilan. “I can’t eat that,” napangiwi siya ng bahagya. “I am—“
“Poison,” saad ni Theo.
“Sort of—“ sagot naman niya. Allergic siya sa dairy products lalo na sa keso.
Sinubo na lang ito ni ni Theo.
“By the way your dad called,” pag-iiba ni Theo sa usapan.
“Buti ikaw tinawagan. Ako hindi pa,” sumbong niya.
“You’re daddy’s girl?” he asked her.
“Hindi,” sagot naman niya.
“I bet you are,” he said.
“Kaya ba mailap ka?” tanong ni Theo sa kaniya.