- Gail - Napasinghot ako habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Nakasilip ako sa glass door kung saan nakahiga at may malaking oxygen si Daddy Huateng. Hindi na bago ang nakakabit sa kaniyang katawan pero iba na ngayon. Tatlong araw na akong naghihintay at umiiyak habang hinihintay kong magkamalay na ito. Habang tumatagal ay mas lalong lumulubha ang kalagayan ni Daddy, at hindi ko na makayang makita ang maraming nakaturok sa katawan nito. Alam ko naman na ganito ang sasapitin ni Daddy Huateng pero parang mawawasak ang puso ko sa lungkot sa tuwing makikita ko ang kalagayan nito. Pinagbabawal akong lumapit sa kaniya dahil maselan na ito at tanging mga doctor at nurses nito lamang ang may karapatan. Si Lance, Nakakapasok rin siya dito dahil isa rin siyang doctor at ang tangi n

