- Gail - “Lance!" Napabalikwas ako sa pagkakatulog. Napalibot ang paningin ko sa buong kwarto. Pumapasok ang liwanag sa labas ng bintana. Tanghali na pala. Sandali akong natulala at muling humiga para alalahanin ang nangyari bago ako nakatulog. Wala akong matandaan. Pero bakit ko nabanggit ang pangalan ni Lance? Lance... Lance.. “Oh my God?!" Mabilis akong napatingin sa aking magkabilang braso. Mga galos iyon. Tinaas ko hanggang tuhod ang suot na pajama at nakita ko ang ilang sugat sa aking makinis at mabuting tuhod. Biglang nag-flash back ang nangyari kahapon. Pauwi kami ng bigla kaming na-ambush. Nagkabarilan sa pagitan ng sinasakyan namin at ng kalaban. Hindi lang si Greg ang magaling bumaril dahil nakisali rin ako. At si Lance.. Andito siya. Hindi ako pwedeng magkamali dah

