"Ayoko!" hindi niya talaga mapilit si Gabby na pumayag na sumama sa kanya sa birthday celebration ng pamangkin na si Aki. Kahapon niya pa nga ito pinipilit ngunit hindi pa rin nagbabago ang isip nito. "Gab naman eh." "Anong Gab naman?! Thea, naiisip mo ba kung anong pwedeng mangyari kapag sumama ako sayo? Baka maging katapusan na ng buhay ko yan!" "Ang OA mo naman! Sinabi ko naman sayo na hindi ka magagalaw ni Calvin don! At ano bang kinakatakot mo, eh, diba nung isang araw lang pumalag ka na sa kanya?" Nagpapadyak ang kaibigan dahil sa sinabi niya. "At talagang pinaalala mo pa? Pasalamat ka nalang na tinulungan kita that time. Pero last na yon! Hindi ko na isusugal ang beauty ko. Baka hindi na makapagpigil si Calvin, jombagin na ko nang tuluyan!" "Hindi niya magagawa yun kasi nandon

