"She's cannot do this, right?" nag-aalalang tanong niya kay Calvin. "I mean, of course, she is just a woman." Katatapos lang nilang kausapin ang mga pulis. Pagkatapos niyang sabihin ang nangyari noong nagkita sila sa opisina ni Calvin noong isang linggo ay ang nobyo na ang humarap sa mga awtoridad. "Calm down. Kilala 'ko si Lucy, and I think wala naman siyang kakayahang gawin ang mga ito. Pero hindi pa rin tayo dapat na magtiwala, okay? The officer was right, everybody's a suspect." Yumakap siya kay Calvin. Hindi na niya naitago ang pag-aalala, hindi lang para sa sarili niya kung hindi para sa mga taong mahal niya. "Sila mommy? What should we do?" "Do not worry about them, babe. We will seek protection for everybody." Tumango siya sa nobyo. Basta kasama niya ito ay alam niyang ligtas

