Tawa siya nang tawa sa mga narinig mula kay Manang Belen nang pumasok si Calvin sa dining room. Nagtataka naman itong nakatingin sa kanilang dalawa. "Babe?" "Oh! Calvin, sorry, nauna na akong kumain. Ang sarap naman kasi nitong mga inihanda ni Manang Belen. Sobrang na-enjoy 'ko tuloy." Double meaning ang sinabi niyang iyon sa lalaki. Totoo namang masarap ang mga niluto ni Manang Belen ngunit mas nag-enjoy siya sa mga nalaman tungkol kay Calvin. "Really? But why do I sense that there is something more?" sabi naman nito. Mukhang nakatunog ang nobyo. "What? Wala, no! C'mon, let's eat na," aya na lang niya rito. "Okay," anito at umupo na sa tabi niya. Siya na ang nagsandok ng pagkain para kay Calvin. Gusto niyang pagsilbihan ang boyfriend dahil sa mga ginawa nito para sa kanya. Isa pa

