Chapter Sixty

1007 Words

Hindi na alam ni Thea kung paano sila nakarating ni Calvin sa kama nito dahil abala siya sa pagsagot sa mga halik nito at ngayon nga ay nakapatong na sa kanya ang nobyo. Hindi naman siya inosente para hindi malaman kung saan na sila patungo at aaminin niyang iyon naman talaga ang kanyang gusto. Ang iparamdam kay Calvin ang kanyang pagmamahal dito. Abala ang mga kamay niya sa paghipo sa katawan ni Calvin at ganoon din naman ito sa kanya. Siya na ang naghubad sa suot nitong puting tshirt dahil para siyang nabibitin. Gusto niyang mahawakan ang nasa loob niyon. Ilang beses nang ibinandera ni Calvin ang katawan nito sa kanya kung kaya naman excited siyang mahawakan ang abs nito. Tumigil siya sa paghalik sa nobyo upang masilayan iyon. Nagningning ang kanyang mga mata sa nakikita. "You like i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD