HINDI NA nagaksaya pa ng kahit anong sandali si Giuseppe mabilis niyang pinagpalit ang posisyon nila ni Roxanne at ang babae na ngayon ang nasa ilalim niya at siya naman ang nasa ibabaw nito. Nahulaan ni Roxanne ang balak niyang gawin dito. Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sakaniya. "G-Giuseppe! H-Hindi ba't may sakit ka? Baka mabinat ka!" Napangisi siya. "Magaling mag-alaga ang asawa ko kaya naman hindi na masama ang pakiramdam ko. Kaunting init na lang naman, pero kayang kaya ko nang paligayahin ang asawa ko," tumaas ang isang sulok ng labi niya. Namula ang pisngi ng asawa kaya naman aliw na aliw siya rito. Mabilis na kinumyos niya ulit ng halik ang labi nito. Nakakaadik. Nakakadarang. Ang bango bango ng asawa niya. Napaungol si Roxanne nang lumalim ang halik ni Giuseppe. Dum

