ILANG ORAS pa ang lumipas at tuluyan nang natapos ang ginagawang shooting at photography nila Giuseppe. Hindi rin namalayan ni Roxanne na kanina pa pala siya naroroon at pinapanood ang asawa. Hindi niya alam, pero na-engrossed siya sa panonood kung paano ito magtrabaho at kung paano nito manduhan ang team. Masasabi niyang magaling talagang magtrabaho si Giuseppe. Talagang naroroon ang awtoridad at sinusunod ito ng empleyado, Nakita niya na papalapit sakaniya ang lalaki. Pagkalapit ay hinigit agad nito ang katawan niya papunta rito at hinalikan sa noo. "Naghintay ka ba ng matagal? I'm sorry. Ganoon talaga kapag may ginagawang photography and shooting. Ilang take ang inaabot. Minsan, kapag hindi talaga makuha inaabot pa ng araw..." anito. Natawa siya. "Hindi mo naman kailangan humingi ng

