NINETEEN

1700 Words

"Ano iyang idino-drawing mo?" Tanong ni Ashley kay Via na abala sa pagguhit sa drawing tablet nito. Kasalukuyan silang magkatabi ng bata sa back seat ng sasakyan, at iyon dahil naipit sila sa traffic. "Ang daming flowers ah?" Dugtong pa niya. "Oh? This is you, Ate Ashley." Itinuro nito ang babae sa gitna ng drawing nito na nakasuot ng makulay na damit. May pakpak pa iyon at tila tumatakbo sa gitna ng isang field na puno ng bulaklak. "Talaga? Ang ganda ko naman riyan?" Malaki ang ngiti na sabi niya. "At may pakpak pa. Para akong fairy." "You really are a fairy, Ate Ashley. Don't you know? You have a curly hair, you have a beautiful smile, and everything you cook is delicious! It always tastes like a magic dust is being poured in my mouth." At nakatanggap na naman po siya ng compliment.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD