"Hey, good morning." Napatigil sa pagkusot ng kaniyang mga mata si Ashley nang makita ang amo niya. Malaki ang ngiti nito matapos siyang batiin. Namamalikmata ba siya? Ang aga yata nagising ng amo niya? Alas singko pa lamang ng umaga, at naunahan pa siya nito na magising. Linggo ngayong araw. At kapag weekends, tulad na lamang ngayon, madalas ay alas otso ng umaga na ito kung bumangon. "Sir Oli? Ano pong ginagawa niyo rito? Ang aga ho ninyo yata?" Tanong niya. Naghilamos at nagmumog siya saglit sa lababo na tambak na naman ng maduduming pinggan, kahit na naghugas naman siya bago matulog kagabi. Pagkatapos ay tinuyo niya ang mukha gamit ang tuwalyang dala. "I'm making breakfast. Fried rice and some sunny side-up," sagot nito. Natigilan siya. Nagluluto ito ng agahan? E hindi naman ito ma

