Nagising si Ashley dahil sa malakas na busina mula sa labas ng bahay. Kasunod niyon ay ang sunud-sunod na pagtunog ng doorbell. Para bang biglang nagising ang diwa niya. Tapos na pala ang nakatulugan niyang palabas, at eksaktong alas dose na ng madaling araw ang sinasabi ng orasan sa pader. Muling tumunog ang doorbell na ikinabilog ng kaniyang mga mata. Mukhang nakauwi na ang amo niya, ngunit heto at nasa sala pa rin sila ni Olivia! Naku po, siguradong mapagagalitan na naman siya nito. Kahit mahilo-hilo pa ay binuhat niya si Olivia at saka may pagmamadali itong dinala sa kuwarto nito. Mabuti na lamang at mahimbing pa rin ang tulog ng bata. At himala rin na hindi sila bumuwal sa hagdan kahit napapapikit pa ang kaniyang mga mata. Para siyang ilang segundong nagising si Flash at pinatay niy

