"Ito na, ito na. Huwag ka nang umiyak." The hell? Why does she look so adorable? Umiiyak ito habang puno ng pagkain ang pisngi. Ibinalik naman ni Oliver ang kinakain nito at dinagdagan pa niya iyon. "Don't cry, hon. Sige, ito na kainin mo na. Huwag ka lang umiyak." Isang judging look ang ibinigay sa kaniya ng kasintahan na ikinaatras niya. Mapanghusga ang tingin nito na para bang napakalaki ng nagawa niyang kasalanan. "Magnanakaw ng pagkain," anito habang ngumunguya at pinupunasan ang luha nito. Para siyang binagsakan ng isang malaking imaginary na karatula ng magnanakaw ng pagkain sa ulo dahil doon. She even rolled her eyes, for pete's sake! Ngayon lamang siya inirapan ng kasintahan. Hindi, ngayon lamang siya tinarayan nito! Napakamot na lamang siya ng batok doon at umupo sa tabi nit

