Tinotoo nga ni Oliver ang sinabi nito. Sa mga sumunod na araw, wala itong ginawa kundi ang bumawi sa kaniya. Halos pagsilbihan siya nito. Araw-araw itong gumigising nang maaga upang ipagluto sila ng umagahan ni Via. Madalas din silang mag-picnic sa labas. Dahil nag-resign na sa trabaho ang binata, ibinigay nito ang lahat nang oras sa kaniya at kay Via, bago ito magsimulang magtrabaho sa kumpanya bukas. Everything is going back to normal. Mayroong isang bagay lamang ang hindi, at iyon ay ang ilan sa mga habit ni Via. Hindi ito nagpipinta lately. Kahit ang drawing tablet nito, medyo matagal na rin nitong hindi nahahawakan. It was as if she completely lost interest in illustrating. Sinabi niya kay Oliver ang mga bagay na napansin niya kay Via magmula noong umuwi ang batang babae. Pati na ri

