SEVEN

2000 Words
Nagpalinga-linga si Ashley at mataman na hinanap ang signboard ng street noong ibinigay sa kaniyang address kahapon. Sa katunayan ay nagtanong na siya kanina sa nadaanan niyang guard house kung nasaan iyon, kaya nga lang ay nalilito pa rin siya. Malaki kasi ang subdibisyon na iyon at iyon lamang din ang kauna-unahang beses na nakapunta siya sa ganoon. Tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Madilim ang langit dahil alas kuwatro pa lamang ng umaga. Wala ring ibang tao bukod sa kaniya at sa iilang residente ng subdibisyon na nagmo-morning exercise ang makikita sa kalsada. Saglit siyang natigilan sa paglalakad at nasundan ng tingin ang mga nagdya-jogging sa kabilang parte ng two-lane na kalsada. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ginawa iyon. Humigpit ang hawak niya sa handle ng kanina pa niya hatak na maleta, at napatingin sa langit. Ibang-iba ang lugar na ito kaysa sa kanilang barrio. Masukal ang daan sa kanila, at ang exercise na niya at ng mga bata ay ang maaga nilang pagpunta sa ilog upang magtulong-tulong sa pag-iigib ng tubig. Ganitong oras din ay gising na sila, at sabay-sabay na sumisimsim ng mainit na kape sa kubo. Dito, patakbo-takbo lamang ang mga tao habang may earphone pa sa kani-kaniyang mga tainga. Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim. Hindi niya alam kung bakit ngayon pa niya na-missed ang Barrio Vicenzo, lalo na ang pamilya niya roon. Para sa kanila ang lahat nang ginagawa mong ito, Ashley. Fighting! Pinuno niya ng determinasyon ang kaniyang isip bago nagpatuloy sa paglalakad. Positive thinking; iyon lang ang kailangan niya sa ngayon. Ilang minuto lamang din ang nakalipas ay nakita na niya ang destinasyon. Isang may kataasan at kulay dark green na gate iyon. Muli siyang napatingin sa address sa kaniyang de-keypad na cellphone, at pagkatapos ay sa numero ng bahay. Nasa tamang address naman siya. Ibinalik niya ang cellphone sa loob ng bag na nakasukbit sa kaniyang balikat. Muli niyang sinipat ang bahay pagkatapos. Malaki naman ang bahay na iyon. Ngunit kung ikukumpara iyon sa iba pang mga bahay sa paligid, iyon ang pinakamalungkot. May plant box iyon sa labas ngunit wala namang halaman. Kulay-puti ang pader niyon ngunit natutuklap na ang pintura. Ganoon din ang pintura ng gate. Siguro'y masyadong abala ang mga magiging bagong amo niya at hindi na iyon maasikaso. Ayon sa agency, wala rin daw itong kasambahay na maaaring mag-asikaso sa mga iyon. Siya raw ang magiging kauna-unahang kasambahay ng mga ito. At hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa roon. Kumunot ang kaniyang noo. Kakatok ba ako? Saglit siyang natigilan. Natural. Ang isip rin niya ang sumagot sa kaniyang tanong. Napatingin siya sa kaliwa't kanan, saka sinubukang kumatok sa may gate. Lumikha ng ingay ang bakal na gate. "Tao po?" Aniya. "Ako po si Ashley, iyong bago ninyong kasambahay!" Pagtawag niya. Isang mahabang katahimikan ang sumagot sa kaniya. Para siyang nakarinig ng mga kuliglig sa kaniyang isip. Napakamot siya ng batok bago muling kumatok. Mas malakas iyon kaysa sa una. "Tao po! Tao po! Ako po si Ashley Corazon, iyong bago ninyong—" "Hey." Natigilan siya dahil sa pagtawag sa kaniya ng kung sino. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Isang matipunong lalaki ang bumungad sa kaniya. Nakapang-jogging na attire ito at labas ang mamasel na balikat. Nangunot ang noo niya. Parang may kakaiba sa lalaking ito ngunit hindi niya matukoy kung ano. "Mag-a-alas kuwatro pa lang ng madaling araw, Miss. Huwag kang sumigaw. Tulog pa ang mga kapitbahay," natatawang sabi nito. "Baka magpatawag pa sila ng guards kapag nabulahaw sila." Umatras siya palayo rito. Ang bilin kasi sa kaniya ng Tiya Panying niya, huwag na huwag siyang makikipag-usap sa hindi niya kakilala. Ayon sa tumatayo niyang ina, marami daw manloloko sa Maynila kaya kailangan niyang piliin kung sino ang kinakausap niya. Napansin naman ng lalaki ang pag-atras niya. Alanganin itong ngumiti sa kaniya at iminando pa ang mga kamay na parang kumakaway sa kaniya. "Ah, huwag ka mag-alala. Hindi naman ako masamang tao. Ashton ang pangalan ko at doon ako nakatira sa dulong bahay." Itinuro nito ang malaking bahay sa dulo ng street. "Ashley, right?" Tumango-tango siya. Narinig pala nito ang pagsigaw niya sa pangalan niya. "Ganito lang ang gawin mo, Ashley. Ito ang doorbell." Itinuro sa kaniya ng lalaki ang maliit na pindutan sa pader. "Iyan ang pindutin mo para marinig ka ng mga tao sa loob ng bahay. Hindi nila maririnig iyang pagkatok mo, unless pinagsisipa mo ang gate nila," biro pa nito. Ngunit imbes na matawa ay tila umakyat ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha. Nangainit ang magkabilang pisngi niya sa hiya. Pakiramdam niya ay napakaignorante niya. Mukhang marami pa siyang dapat malaman. At mukhang matatagalan pa bago siya tuluyang masanay sa takbo ng buhay sa Maynila. "S-salamat po." Pakiramdam niya ay ang tanga niya sa part na iyon. "Pasensya na, wala po kasing ganiyan sa barrio namin sa probinsya." Ngumiti lamang sa kaniya ang lalaki. "Ayos lang iyon. Walang dapat ipagpaumanhin sa mga bagay na bago mo pa lang natututunan." Tinapik-tapik nito ang balikat niya. "Una na ako. By the way, welcome to the community." "Ah... Sige po. Salamat po uli." Magalang niyang sabi. Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayo nang lalaki. Bumalik na ito sa pagdya-jogging pagkatapos ituro sa kaniya ang dapat niyang gawin. Siya naman ang lumapit sa doorbell at pinindot iyon. Kumunot ang noo niya nang wala namang mangyari. Muli niya iyong pinindot at saka pinagkiramdaman ang paligid. May naririnig siyang tunog ngunit hindi niya alam kung saan nanggagaling iyon. Naririnig ba talaga siya ng mga tao sa loob ng bahay? Mukhang pinagloloko lang yata siya ng lalaking iyon. Wala naman kasi talagang nangyayari. Pinindot niya nang pinindot ang doorbell saka nagmamadaling idinikit ang kaniyang tainga sa gate. Para siyang isang baliw na nakikinig doon. Ganoon na lamang ang pagkabigla niya na lamang bumukas ang gate. At dahil nakadikit ang tainga niya roon ay halos sumubsob siya. Akala niya ay dire-diretsong lalagapak ang mukha niya sa matigas na lapag. Ngunit hindi pala, dahil ibang 'matigas' na bagay pala ang sasalo roon. Pinanlakihan siya ng mga mata. *** A low groan escaped from Oliver's throat. Nasapo niya ang nananakit pa niyang ulo dahil sa biglaang pagbangon. Nagising siya sa sunud-sunod na pagtunog ng doorbell sa buong kabahayan. Agad na napadako ang tingin niyang sa digital clock na nakapataong sa drawer na katabi lamang ng kama niya. Mahina siyang napamura nang makitang alas kuwatro pa lamang ng madaling araw. Kaya naman pala mahilo-hilo pa ang kaniyang diwa. Kung gayon, sino ang walang habas na pumipindot sa doorbell sa labas ng kaniyang gate? His eyes are still half open and his vision is still blurry. Ngunit kahit halos hindi pa niya maimulat ang kaniyang mga mata ay pinilit niyang bumaba mula sa kama at tinungo kung sinuman ang nasa labas. Baka magising pa ang anak niya sa ingay ng kanilang doorbell. He swear to God, if this is Dona messing up with him, makakatikim talaga ito ng kaltok sa kaniya. "Nariyan na!" Galit niyang sigaw sa kung sinumang nambulabog sa kaniyang pagtulog. Puyat na puyat pa naman siya dahil tinapos niya ang itinerary ng event na pinagpaplanuhan niya para sa Tiny Hands; ang foundation na itinayo niya para sa mga batang lansangan ilang taon na rin ang nakararaan. Marahas niyang binuksan ang gate. And to his horror, he did not see Dona. Bagkus, isang magandang babae ang napagbuksan niya. Iyon nga lamang, nagkamali yata siya ng ginawa. Paano'y hindi niya alam na nakatayo pala ang babae sa gate mismo, kaya naman dire-diretso itong sumubsob sa kaniya. Hindi lamang iyon, dire-diretsong sumubsob ang mukha nito sa tapat mismo ng kaniyang alaga! Namilog ang mga mata niya sa nangyari. Shit! Sunud-sunod siyang napamura sa kaniyang isip nang ma-realized na naka-boxer shorts lamang siya. Hindi lang iyon, tayung-tayo pa ang ari niya na akala mo'y gumagawa ng sarili nitong tent sa ilalim ng kaniyang boxers! Init na init kasi siya kagabi, kaya natulog siya nang iyon lamang ang saplot. At ang mas ikinagulat pa niya ay nang mapagsino ang babaeng iyon. Iyon lamang naman ang bago nilang kasambahay. Paano niya ito hindi makikilala gayung tila naimprinta na ang mukha nito sa kaniyang isip? Gusto niyang itago ang nagngangalit na alaga ngunit hindi niya magawa. Nakita niya kung paano mapaigtad nagmamadali itong itinayo ang sarili at agad na napaatras. Pulang-pula ang mukha nito. Hindi niya malaman kung paano isasalba ang sarili mula sa kahihiyan. Kaya naman ikinunot na lamang niya ang noo at nagpanggap na hindi ito nakikilala. "Who are you?" Masungit na tanong niya. "And why the hell are you aggresively hitting my doorbell? Alam mo bang napakaaga pa?" Kunwari'y hindi siya apektado sa presensya ng dalaga. Hindi rin naman kahiya-hiya ang katawan niya. Alaga naman niya iyon sa work-out kahit sa bahay lang. Wala kasi siyang oras pumunta sa gym kaya naman bumili na lamang siya ng gym equipments at naglaan ng isang kwarto para doon. Nag-iwas naman ng tingin ang babae. "Uh, good morning po, Sir." Alanganin nitong bati nang hindi siya tinitingnan. Halos mautal-utal ito. "Ako po iyong bago ninyong kasambahay. Ashley Corazon ho ang pangalan ko." Nagkrus ang kaniyang mga braso. "Alas kuwatro pa lang ng umaga. Bakit ang aga mo?" Nakasimangot niyang tanong. "Ah, sabi ho kasi ng asawa niyo, Sir, ganitong oras daw ho ako magpunta," sagot nito na mas lalong ikinalalim ng gatla sa kaniyang noo. Asawa? Anong asawa? Sinong asawa? Gusto niyang matawa sa salitang iyon. Sa pagkakatanda niya, ang huli niyang asawa ay kasalukuyan nang nagpapakasarap sa buhay nito bilang isang modelo. Nakita niyang saglit na may kinalkal ito sa bag. Ipinakita nito sa kaniya ang tila cellphone pa ng mga ninuno niya. "I do not see a thing. What should I supposed to see there?" "Ay, saglit lang ho, Sir," saglit itong may kinalikot sa cellphone nito, pagkatapos ay muli nitong ipinakita sa kaniya ang screen niyon. At tumambad sa kaniya ang text message ni Dona sa babae na nagsasabing alas kuwatro nga ng umaga ito magpunta. Mayroon pa iyong kiss emoji sa dulo. Muntik na siyang mapamura. So that was what caused all this mess. Kailangan niyang paalalahanan ang sarili na gantihan si Dona kapag nakita niya ito. "Ah, kailangan ko po ba ipakita ang I.D. ko? Teka kukunin ko po—" "—No need." Pigil niya rito. Tinalikuran na niya ang babae. "Just come in and make sure to close the gate." "Okay ho, Sir." Nagmamadali siyang naglalakad papasok sa bahay. At nang maituntong niya ang paa sa loob, halos tumakbo siya patungo sa kaniya g kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay. Nagmamadali niyang hinagilap ang t-shirt at pajama niya. Humanda ka sa akin, Dona! Kapag nakita talaga niya ang kaibigan, sisiguraduhin niyang hahatakin niya ang pisngi nito hanggang sa humingi ito ng tawad. Ayaw na ayaw pa naman nito na hinahatak ang pisngi nito. Giit ng kaibigan, lalo daw kasing lumalaki ang mukha nito kapag ginagawa niya iyon. Saglit siyang lumapit sa bintana at nakita niya si Ashley na hinahatak papasok ng gate ang maleta nito. Pagkatapos ay sinunod nito ang bilin niya at isinara ang gate. Nang akmang titingin ito sa direksyon niya ay nagmamadali niyang isinara ang kurtina. Daig pa niya ang isang kawatan na hinahanap ng mga pulis sa bilis ng pagkakasara niya roon. Binilisan niya ang kilos. Tila biglang nagising ang kanina lamang ay maantok-antok pa niyang diwa. Sakto namang natapos siya sa pagbibihis ay tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa ibabaw ng bedside drawer, at agad na binuksan ang text message nang makitang nanggaling iyon kay Dona. Bayad na ang utang na loob mo. "f**k!" He grunted in pure annoyance. May wink emoji pa ang mensahe na iyon sa dulo. Sira talaga ang ulo ng kaibigan niya. Nakasimangot niyang inihagis ang cellphone niya sa kama. Sana ay pinasayaw na lamang siya nito nang nakabestida kaysa naman sa sumubsob ang mukha ni Ashley sa nagngangalit pa rin niya na alaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD