THIRTY EIGHT

2000 Words

Napatitig si Ashley sa daliri niyang may band-aid. Nawala na ang hapdi niyon. Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay, naghihintay. Hinihintay niyang makauwi si Oliver. Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakaupo sa gilid ng kalsada, sa tapat mismo ng gate ng bahay. Ngunit hindi na niya kailangan ng orasan para malaman na madaling araw na. Isa pa, mag-aalas dose na rin siya lumabas kanina. Nainip na kasi siya sa paghihintay sa salas, at hindi na nakuntento sa panaka-nakang pagsilip sa labas kanina. Kaya minabuti niyang sa tapat na mismo ng gate maghintay. Malamig na ang hangin at walang katau-tao sa kalsada. Nayakap niya ang kaniyang mga tuhod. Mabuti na lamang at medyo makapal ang suot niyang pang ginaw. Naiibsan niyon ang lamig na nararamdaman niya. Nakailang ulit na rin siya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD