FORTY TWO

2001 Words

Napatingin si Ashley sa listahan na dala bago nagpalingon-lingon sa paligid. Hinanap niya sa mga estante kung ano ang nakalagay sa listahan. Kasalukuyan siyang nasa department store at namimili. Isang linggo na ang nakalipas. Oo, ganoon katulin ang araw. At sa nakalipas na linggo, wala man lamang siyang narinig na balita mula kay Oliver at Olivia. It was her loneliest week ever. Tanggap naman niya iyon pagdating kay Olivia. Alam naman kasi niyang wala itong paraan upang matawagan siya. Maging ang drawing tablet nito na sabi ni Via ay dadalhin nito, ay iniwan din nito. Isa pa, hindi rin naman niya matatawagan si Veron, upang kumustahin ang bata. Bukod sa wala siyang numero ng babae, kahit pa magkaroon siya ng numero nito, ano naman ang sasabihin niya rito kapag kinumusta niya ang bata?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD