A week. One hellish week. Kung gaano kalala ang hindi pagpan sa kaniya ni Ashley noong nakaraang tatlong araw, mas lumala pa iyon sa nakalipas na isang linggo. Dahil ngayon, maging ang anak niya, hindi na rin siya pinapansin. At talagang kaunti na lamang ay ikababaliw na niyan iyon! Hindi naman ganoon kalala ang hindi pagpansin sa kaniya ni Ashley. Tinatanguan pa rin siya nito kapag binabati siya. Pero alam niyang out of respect lamang iyon. Napakapormal nito pagdating sa kaniya. Sa tuwing tinatanong niya ito ay on-point at tipid lamang ang mga isinasagot nito. Halatang ayaw nitong makipag-usap nang matagal sa kaniya. Kahit nga noong ibinigay niya ang paunang sahod nito noong isang araw, isang 'salamat' at tango lamang ang nakuna niya. Nagkulong kaagad ito sa kuwarto pagkatapos niyon.

