The same day. Thursday. 5 p.m. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ashley. "Mabuti naman kung ganoon." "Yeah, I'm really happy." Dinig nga niya ang kasiyahan sa boses ni Oliver, na kasalukuyan niyang kausap sa telepono. "Where's Via?" tanong nito. "Ah, iniwan ko saglit sa Kidzooona. Ayaw kasi niyang iwan ang paglalaro roon. Nag-enjoy. Hayun, ayaw ako samahan sa grocery, kaya pinabantayan ko na lang muna sa mga staff doon." "Na-excite siguro, alam mo namang minsan lang siya makapunta roon." "Kaya nga e," natatawa na lamang niyang sabi. Nasa grocery kasi siya at namimili ng ilang ipampapasalubong sa pamilya niya sa Barrio Vicenzo. Bumili rin siya ng ilang pirasong damit para sa mga bata roon. Tumawag sa kaniya si Oliver upang sabihin sa kaniya na hindi tuloy ang leave nito par

