THIRTY TWO

2400 Words

"Can't believe he really got one. I thought he will forever be broke." Tumawa ang babae. Mapang-uyam ang tawa na iyon. Hindi niya gusto ang tono ng pananalita ng babae, at mas lalo niyang hindi maintindihan ang sinasabi nito. Ngunit hindi na kailangan pa nang mataas na pinag-aralan upang masabing kinukutya ng babae si Oliver. Isinisigaw iyon ng body language nito. Kung para saan ang pangungutya nito? Hindi niya alam. Basta't ang alam niya, hindi niya gusto ang ginagawa nito. "Nasaan ang amo mo? Nasaan si Oliver?" Kapagkuwan ay tanong nito. Pinagkrus pa nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Ah, kaalis lang po... Ma'am. Sino po ba kayo at anong sadya ninyo?" Kumunot ang kaniyang noo. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bahagya tuloy siyang nakaramdam ng panliliit dahil doon. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD