Nandito ako ngaun harap ng gate ng school habang inaantay ang kaibigan kong si Ana Marie Villamor in short "Ann" .Ako nga pala si Trisha Shane Bermudes kaming magkaibigan nasa senior high palang kami same kami ng age 17 years old na. Well sa ugali naman opposite kami ni Ana siya masungit,malandi ,mahilig sa party,at maluho at ako mabait ,mahinhin,mahiyain at laging nagtitipid at may attitude din sungitan ang labanan hindi ako papatalo .yan kaya ang namana ko jan sa BFF ko may kasabihan kami " " walang papatalo kahit anong mangyari" .kung sa itsura same kaming maganda kasi kung sa pag aayus ng sarili di naman ako nerd tignan kasi ayaw ng Bff ko ang nerd so di rin ako nagpapatalo sa fashion ,maganda din ako manamit gaya ng Bff ko .
May kaya ang pamilya namin but hindi ako showee not unlike my Bff kulang nalang mabili niya lahat ng brand ng damit,sapatos,at mga jewells .at di rin papatalo sa kotse. mayaman talaga sila .Sa akin kasi hindi ako yung showee na tao simple lang kung ano ang ibibigay nila mama at papa yun ang mga ginagamit ko minsan kung may type akong bilhin na damit,sapatos at alahas kailangan ko pa ipaalam sa mga parents ko, to show na may respeto parin ako sa pinaghihirapan nilang pera kahit pinayagan na nila akong gumastos .pero ako lang ang nag aayaw sabi ko kasi sa sarili ko saka lang ako gagastos ng bongga kung pera ko na talaga ang gagastusin ko. Speaking of my Bff she's here na.
"best sorry late ako .grabe traffic ..alam mo naman diba ." paliwanag niya habang palapit siya sa akin.
" okey lang best .sanay na ako" ngiting saad ko sa kanya .
" paano naman kasi nakakainis sa house" simangot niyang tugon.
"ohh at bakit naman best ..may nangyari ba" takang tanong ko kahit alam ko na naman ang dahilan.
" best wag mo nang tanungin lalo lang ako nababadtrip ...pasok na tayo! " sagot niya sabay hila sa akin habang papasok sa gate.
Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang mga Campus Diva ng school.Yes campus diva ang tawag sa kanila kasi magagaling silang umawit at may banda sila. Magaganda sila at sesexy yun ngalang may pagkamasungit at pagkabully,mahilig sila sa sexing dress yung mala model ang dating at mahilig sila sa make up kaya lalo silang gumanda .Ang isa sa kanila ay si Kyrie Adams .sya ang pinaka leader sa kanilang grupo kasu ubod ng saksakan ng kasungitan .yung akala mo siya ang laging may regla sa kasungitan .
"ayan na naman ang mga paru paru best ,makakasalubong natin" pabulong sa akin ni Ann .natawa naman ako sa tawag niya sa kanila..paru paru kasi ang tawag namin sa kanila kasi makukulay ang suot nila animo laging nasa model stage sila upang rumampa.
" shhhhh. yaan muna baka marinig ka nila best ..lakad nalang tayo ..wag mo silang tignan" kako nalang sabay hawak sa braso niya.
At eto na nga napansin parin kami ng mga bruha .
" ohh look ..sino ang makakasalubong natin the nerd and the oa kung manamit" pangungutya niya sa amin .." oa daw manamit eh sila nga tung oa at excuse me hindi ako nerd ."sa isip isip ko nalang sinabi .
" ohh yes ms. butterfly.. may problema ba!!" sagot nang ni Ann with matching pagtataray na din .hindi kasi to papatalo sa pagtataray kung tarayan ang labanan .
" nothing .ang sa akin lang harang kayo sa daan eh .nakakabanas kayong tignan you know!!ay wait why you call me butterfly hmm " with matching arte ang peg.at pataas pa ang kilay
" really .ang pagkakaalam ko hindi sa inyo tung hallway .para sabihin yan sa amin ..kaya please lang umalis kayu sa daanan namin and yeah butterfly its because kulang nalang kasing kulay nyu na ung mga paru paru sa sobrang colorfull niyo ..hindi pala dapat butterfly bulaklak sana ..pero hmmm mas bagay ang butterfly kaya shooooo " at tinulak nga niya si kyrie upang umalis sa daanan niya at ang mga kasama niya walang ginawa kundi panoorin lang ang kaibigan nilang umaapoy na sa galit.
" You b***h how dare you" akma niya sanang sampalin ang kaibigan ko kasu napigilan ko siya at hawak ko ang kamay niya .mas matangkad kasi ako sa kanya .
" stop it kyrie..kayo ang unang nakapag salita ng hindi maganda so wala kang karapatang magalit...kaya shut up and keep your attitude because I have my own" sabay bitaw ng malakas sa kamay niya..at hinila ko na nga ang kaibigan ko para tapos na ang bangayan.
Naglakad kami patungong Room at thank full kami kasi hindi namin sila ka section. Magaganda lang ang mga yun pero pagdating sa utak walang wala sila sa amin "charrr" .Magkatabi kami ng upuan nang bestfriend ko di kami mapaghiwalay yan kambal tuko kasi kami .kahit anong mangyari.
" imbyerna talaga tung araw na to sa akin best .sa bahay badtrip ako dahil umagang umaga sermon ang almusal ko tas .dito badtrip din dahil sa mga yun " padabog niyang upo at kala mo byerness santo ang mukha dahil sa badtrip.
Diko na siya sinagot at pagusapan nalang namin mamaya yan dahil papasok na ang adviser namin.
" Good morning class ..I have an announcement today and also may mga bagong classmate kayo ..so boys come inside and introduce your self" paglalahad ni sir sa tatlong lalaki na pumasok at napansin ko na nga ang mga classmate naming mga babae tilian kala mo ngaun lang nakakita nang gwapong mga lalaki .well may itsura naman sila . At humarap yung isa at nagpakilala
"hello my fellow new classmate Im Rain Mendoza " pakilala niya at sumunod yung isa
"hi Im Yael Lopez nice to meet you all " at ngumiti . "aba palangiti ah " bulong ko sa isip ko.sumunod yung isa na mukang masungit at snobbero.
"hello Im Nick Santos thats all thank you" at wow tama nga snobber ang loko .
"okey guys be kind and gentle sa kanila okey..punta na kayo umupo boys sa vacant sit back to miss bermudes and villamor and hmmm so now my big announcement is we haven't class today it is because all faculty are bussy this week for the up coming intramurals.so you can go to library or every were until the school day are done. walang uuwi hanggat di uwi an ..okey class understand" saad ni sir.
"yes sir" sagot naman namin .
Pumunta ang tatlo sa likod namin at naupo.
Tinignan ko ang kaibigan ko at tahimik walang pake sa tatlo ganyan kasi kaming dalawa hanggat di kami inaano ..di namin sila iimikan.
" hello pwede bang makipagkilala or malaman name niyo.Im Rain Mendoza " sabay tusok sa tagiliran ng kaibigan ko kasi nga di kami lumingon . at siya naman kinagulat ni Ann na siyang ayaw na ayaw niya yung nagugulat .
"so what ...at wag mong tusukin tagiliran ko kasi baka isigaw kong manyak ka" pagtataray nang Bff ko.
"oppsss okey .FYI hindi ako manyak .okey" at mukang badtrip na din.
"ohh really thats good .." sabay irap niya kay Rain at umupo ng maayus at sinulyapan ko naman yung lalaki .ang sama ng tingin kay Ann eto na ata yung First impression nila sa isat isa .Habang wala naman ginagawa niyaya ko si Ann na lumabas na muna sa Room para makapag libot na rin.
Patapos na naman ang araw na boring.walang ginawa kundi ang kumain,umupo,nakipagkwentuhan sa ibang ka klase. then now maghapon ganun ang ginawa dito sa school. Habang naglalakad kami papunta sa gate nakasabayan namin yung tatlong transferre at naghaharutan nang biglang......
" oppssss sorry miss diko sinasadya ...are you okey" paghingi niya ng tawad kasi nga nabangga niya ako .at muntik na akong natumba at buti nalang nasalo niya ako na siya namang muntik nang magkalapit ang mukha namin at napatitig ako sa kanya grabe ang gwapo niya pala sa malapitan at ang gaganda ng mga pilik mata.....
"hmm okey k lang ba talaga miss" pag aalalang tanong nya ulit at doon na ako natauhan..medyo nahiya tuloy ako sa titig ko sa kanya grabe ....."kakahiya"
"ahhhh ehhh o okey lang. pero next time wag niyong gawing playground tung hall way okey" .ngiting saad ko pero deep inside parang ewan tung t***k ng puso ko .kakaiba at diko maintindihan.
"ahh miss gwapo naba ako sa iyong paningin at makatitig ka wagas" pa feeling niyang saad at ngumiti pa talaga ang loko ..hiyang hiya talaga ako .Pero sobrang hangin naman ata tong Nick na to .di lang masungit,mayabang din ang loko
" kaw nga tung nakabangga ..oa mo pa yabang.... sorry pero di ka gwapo okey" irap kong saad sa kanya with matching taas kilay na rin .hirap na baka magpatuloy tung kayabangan niya .
" tara best gusto ko ng umuwe ..kaya excuse us .." at naglakad na nga kaming palayo sa kanila.
" okey kaba talaga best bakit yung titig mo kanina doon sa nick na yung iba.. parang may something" at eto na nga nagtatanong na siya na diko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya .pag nagtanung pa naman to hindi titigil hanggat di masasagot ng totoo.
" yesss best Im okey at yung titig na yun ay ang pagkabigla ko sa muntik ko ng pagkatumba dahil sa pagkabangga niya sa akin..kaya ayun medyo na slow ko yung pang yayari at yung titig ko .wala yun nakatitig ako sa kanya pero wala akong iniisip ." at yun nga mahabang explanation para maniwala siya .pag maikling paliwanagan kasi hindi yan maniniwala at titigil.
" okey bestt ...oh siya uwe na tayo .andyan na yung sundo ko ,sabay kana sa amin " at tumango nalang ako tutal nakalimutan kong i tawagan man lang si mang june para sunduin ako .pero tutal iisang subdivision naman kami ni Ann makikisabay nalang ako sa kanya.
Habang nasa byahe kami nakasimangot na naman tong kaibigan ko parang may malalim na iniisip pero ayaw niyang sabihin sa akin kaya hayaan ko muna,mag aantay ako sa pag open up niya tungkol jan sa iniisip niya kung ano man yan.
" oh siya best dito na ako .ingat kayo sa pag uwe and see you tommorow Iloveyou siss" at nakapagbeso na ako sa kanya bago bumaba .
Mukang may bisita sila mama kasi may ibang sasakyan sa garahe .nagpatuloy akong pumasok sa bahay at totoo nga may bisita ang mga magulang ko .
"nandito na pala si trish ..come here baby " tinawag ako ni mama para punta sa kanila .
"hello mama ,papa at hello po" pag bati ko sa kanila
" dalaga na pala tong anak mo pare,parang kailan lang noong pumunta kayo sa amin at bata bata pa siya" masayaang saad ng bisita nila mama .yes diko po siya kilala ..kasi ngaun ko lang siya nakita
" oo nga pare may unica hija ..kay bilis magdalaga .di na tuloy siya baby" ani ni mama na may malungkot na tinig .
"mama .kahit di na ako babay ..Im still your dambuhalang baby ..at loves na loves ko kayo ni papa okey ..dont be sad ..." niyakap ko si mama para maibsan yung lungkot niya.. feeling kasi daw ni mama habang nagdadalaga ako ay di malaki ang magbabago sa akin at baka daw darating yung araw maisipan ko nang mag asawa..mas lalo siyang malulungkot kasi daw malalayo na ako sa kanila.
"ohh yung anak mo pala pare musta na yung batang yun ..binata na siguro siya noh" pabaling na tanong ni papa sa bisita niya para matigil na kami sa pagdradrama ni mama
" naku pare..ayun binatang binata na yung inaanak mo ..at baka di magtagal magaasawa. na yun at yun ang gusto kong mangyari para tumino na siya." ani ni tito na parang tuwang tuwa na maisip na magaasawa na yung anak niya ,nakipagkwentuhan muna ako sa kanila at nakakatuwa si tito kasi puro kalokohan ng anak niya ang kinekwento niya . At dahil di pa ako nakapag bihis nagpaalam na ako sa kanila upang gumayak na sa aking kwarto.
Umakyat na ako dito sa taas patungong kwarto ko nang bigla kong naisip yung mukha ni Nick na ang amo amo .nagtungo muna ako banyo para makapagshower na at bababa ulit upang punta mag dinner kasi kumakalam na pala ang tiyan ko. Nakapagbihis na ako ng pantulog .bago ako bumababa at mukang umalis na nga ang bisita nila mama at nandito na nga ako sa kusina.. at may dating nakaprepair na pagkain dito sa mesa .. wala kaming katulong kasi ayaw ni mama na magkaroon kami nang katulong katwiran niya kasi kaya naman niya daw kaming pagsilbihan ni papa kaya no need na daw. Pagkatapos ko kumain syempre ako din ang magliligpit.
Dito na ako ngaun kwarto at nakahiga na rin. Naisipan kong manood ng korean drama pang kuha antok .Sinimulan ko nang manood at kilig na kilig ako dito sa pinapanood ko
at diko namalayan naantok na nga ako kaya napagpasyahan kong matulog na kasi maaga pa ako bukas.