Ice's POV, Habol ang hininga ko ng pumasok ako sa hospital. Dumiretso ako sa E.R pero wala ng tao doon. Hindi, hindi patay si Velvet. Nararamdaman ko na buhay siya. "Bakit ka nandito?" Napatigil ako sa pagtakbo ng makasalubong ko si Forth. Puno ng dugo ang kamay at damit nito. Oh no! "Nasaan si Velvet!" Tanong ko sa kanya. Kumuyom ang kamao nito at sinuntok ako ng sobrang lakas. Hindi ako lalaban, I deserve this punch. "Ang gago mo! Alam mo na no! Huli kana Ice! Pinatay mo ang kaibigan namin! Pinatay mo siya! Uto-uto ka! Wala na siya, kakatapos niya lang malagay sa morgue." Umiling ako ng sabihin ni Forth iyon, mabilis akung tumakbo at hinanap si Velvet. Nakarating ako sa morgue at narinig ko ang pagwawala ni Flower at Pink. Sumakit ang puso ko. Sobrang sakit, nanghihina ang katawa k

