Velvet's POV, Karga ko si Celexie at karga naman ng yaya si Xycier ng papasok kami sa airport. Pupunta kami kay Ice, gugulatin namin ang Daddy nila. Nandito daw kasi si Ice sa opisina niya dito. At mag-iisang buwan na ang nagdaan simula ng makalaban kami sa hospital. Ng pumasok ako sa airport kaagad akung sinalubong ng security guard at bumati. Kasunod ng limang bodyguard sumakay ako ng elevator. Hawak- hawak ko ang nakatulog kung anak, si Xycier naman ang gising. Bumalik na sa USA ang magulang ni Ice. Ayaw sana sumama ni Lie pero kinausap ito ni Mommy. "Ma'am, pinapasabi po pala ni Ma'am Red na, bumisita ka daw sa TDR." Nilingon ko ang isang tauhan ni Ice. "Bakit daw?" Tanong ko, ano na naman ang problema ni Red. Narinig ko kay Ice na nag-war sila ni Red, hindi ko alam kung bakit.

