Ice's POV, Ng makababa ako ng kotse, ramdam ko kaagad ang masamang tingin sa akin ng mga taga TDR. Lumapit sa akin si Paige at tumabi sa tabi ko. Nasa tabi naman nito si Knight. "Don't do stupid thing here Ice, I hate killing my friends." Malamig na saad ni Knight. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napatingin sa litrato na nasa labas ng hall. My darling, baby I'm sorry. Sorry. Hindi ko maihakbang ang paa ko papasok sa lamay ni Velvet. Pakiramdam ko sinusunog ako, hindi ko masikmura na makitang patay na ang babaeng mahal ko. "Blue, huwag kang aalis sa tabi ni Ice, galit pa sa kanya ang ibang agents dito." Seryosong saad ni Bench at tinapik na ang balikat ko. Kumuha ako ng maraming lakas at hinakbang ang paa ko. Sumunod naman sa akin ang mga kaibigan ko. Ng makapasok ako sa hall,

