“Huwag mong ipamukha sakin ang gagawin ko, Mr. Director!” sabat niya, “hindi mo to pelikula! Isa pa, kagabi rin, ba’t hindi ka lumaban? Kinuha pala ng pinsan mo ang babaeng gusto mo. Sa halip, tumakbo kang palayo, pumunta ka ng Luneta-“napatigil siyang sandali, may biglang nakintal sa bumbunan ng isip. Si Kirk at ang doktora ngayon ang magkasintahan, gusto ni Harris ang doktora, alam ni Harris na may nakaraan sila ni Kirk, tinulungan siya nito upang maibalik niya ang memorya ni Kirk. Maaari bang tinulungan siya nito hindi lamang dahil sa alibi nitong paggawa ng documentary kuno ngunit dahil lihim nitong gustong mailayo ang pinsan sa doktora, o dahil lihim itong umaasa na madidiskaril niya ang hindi niya alam na ugnayan pala ni Kirk at ng doktora? Si Harris. Akala ba niya tunay lahat ng ip

