Hindi siya napa-imik, sa halip, binilisan nga niya ang paglabas ng kuwartong iyon. Mukhang masama rin ang tama ng lalaking ito, sa tingin niya, bukod sa mukhang wala sa diksyunaryo nito ang Good Grooming ay mukhang wala rin ata ang Right Conduct, yun affirm na affirm niya. Naks naman ng English niya! “Ba’t mo nga pala ako iniwan sa hospital?” biglaang tanong ng lalaki. Sira pala ito eh’. “Excuse me po. Hindi po kita iniwan. Pumunta po kayo sa doktora ba yun. Tapos, binayaran ko na po yung mga bayarin. Hindi ko napo din ma-locate kung sang planeta po kayo dahil wala naman po akong kontak sa inyo. At isa pa, nasa tamang pag-iisip naman po siguro kayo para umuwi ng mag-isa lang.” “Wala kasi akong pera, nakisakay ako sa kaibigan ko…” usal nito at dumiretso na ito sa kusina, namataan niya a

