Continuation of story “TELL ME, WHAT happened-“nakalukot ang mukhang iyon ni Kirk habang nasa labas sila ng emergency room. Kanina nga, gulat na gulat siya sa nangyari at mas laking gulat pa niya ng maabutan siya ni Kirk sa loob ng condo nito, habang nakabulagta ang estrangherong iyon at hawak-hawak niya ang maliit na kutsilyo. Should she really tell him what happened? Ikukuwento ba niya ang pang-ha-harass na ginawa sa kanya ng pinsan nitong ngayo’y may pangalan palang ‘Barney’ ayon sa pagkakadinig niya. Napatikhim siya. In-edit niya ng kaunti ang kuwento niya, kesyo nagulat yung walang modong lalaki dahil nakita na siya sa labas ng kuwartong may dala siyang pitaka, na-alarma ito at hinabol siya, siya ring false-alarm at akala’y estranghero ang lalaki ay napatakbo sa kusina at ginawa a

