"Ano ka ba talaga?" Mahina at naguguluhang tanong ni Helena sa lalaki. Napaatras pa ito ng konti mula sa kinatatayuan nila.
Nawala na rin ng tuluyan ang kalasingan nito at ang tanging nasa utak nito ay masagot ang kanyang katanungan.
" Soul Reaper." Seryosong sagot naman ng lalaki at tumitig pa ng tuwid sa mga mata ni Helena.
Naroon na naman ang pakiramdam ng dalaga na parang hinihigop s'ya ng mga iyon. Ngunit pinilit nito ang sarili na iwaksi ang isiping iyon.
" Kung ganun, bakit mo pa ako iniligtas?" Sumbat pa nito.
" Dapat pinabayaan mo nalang akong mamatay. Bakit kailangan mo pang mangialam sa ginagawa ko?." Naiiyak sa galit na sabi pa nito.
" Tagasundo ka lang naman ng mga patay. Kaya, bakit pinigilan mo pa ako sa gusto ko?." Pinukulan pa nito ng masamang tingin ang lalaki. Habang nakakuyom ang dalawa nitong kamao.
Hindi makapaniwala si Helena na nagawa nitong pigilan siya. Samantalang isa lang itong tagasundo ng mga kaluluwa.
" Sigurado ka bang gusto mo talagang mamatay binibini?." Tanong nito na ikinapatda ng dalaga.
"A-Anong ibig mong sabihin?." Nagtatakang tanong ng dalaga.
"Sabi ko, sigurado ka bang gusto mo talagang mamatay." Pag-uulit naman nito.
" Satingin mo ba, matatapos na ang lahat. Kapag nawala ka na sa mundong ito?."
" Oo" Maagap naman na sagot ni Helena
" Kapag patay na ako. Hindi ko na mararamdaman lahat ng sakit at magiging tahimik na ang lahat." Mapait pa nitong dugtong.
" Kung ganun ay isa ka palang duwag." sumbat naman sa kanya ng tagasundo.
" Anong pinagsasabi mo?, Akala ko ba tagasundo ka lang. Bakit ganyan ka magsalita?. Bakit pakiramdam ko iniinsulto mo ang pagkatao ko."
" Wala akong pakialam, kung ganun ang pagkakaintindi mo binibini. Pero hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko. At sabi ko nga, isa kang malaking duwag. Mali ang isiping matatapos na ang lahat.". Seryosong saad pa nito.
" Kapag namatay ka. Doon palang magsisimula ang lahat. Pero sigurado akong dederetso kana sa impyerno. Habang buhay ka ng magdurusa doon. Dahil pinili mong tapusin ang sarili mong buhay. Mapuputol din ang bigkis ng kapalaran na nagbubuklod sayo at sa taong mahal mo. Mawawalan kana ng pagkakataong isilang pang muli sa mundo." Dagdag pa nito.
Sa sinabi nito ay napipilan si Helena. Hindi rin nito ulit namalayan, na dinala na pala siya ng tagasundo sa ibang lugar.
*****
Nasumpungan nalang ulit ng dalaga. Na nakatayo na sila sa ituktok ng isa sa mga lumang gusali.
Hindi niya maintindihan, Kung bakit sila naroroon ng tagasundo.
Kaya nagtatanong ang mga matang napatitig siya rito. Habang naghihintay ng kasagutan.
" Tumingin ka sa ibaba binibini." Utos sa kanya ng tagasundo." Ano ang mga nakikita mo?." Seryoso pa ring saad nito.
Agad naman sumunod ang dalaga sa sinabi nito. Nalula pa si Helena ng makita kung gaano kataas, ang kinalalagyan nilang dalawa. Ngunit nagawa ng dalaga na pakalmahin ang sarili at magfocus sa sinasabi ng tagasundo.
Nakita ni Helena, ang mga taong abala sa kanya kanya ginagawa. Pero naagaw ang kanyang atensyon. Sa isang pulubing namamalimos sa gilid ng daan.
Napakarumi na nito at sira sira na ang damit na suot. Halata rin sa mga mukha nito ang gutom. Ngunit patuloy parin itong naglalakad, para maka hingi ng konting barya mula sa mga taong nagdaraan. Napangiti pa ito ng may magbigay ng tigpipiso.
" Ngayon sabihin mo sa'kin binibini. Na wala talagang kwenta ang buhay." Untag sa kanya ng tagasundo.
Pero hindi sumagot si Helena at patuloy lang na pinagmasdan ang pulubi. Habang nagtatanong sa sarili. Kung bakit nagagawa pa rin ng pulubi na ngumiti. Gayong halata namang hirap na hirap ito sa buhay.
Hindi tuloy maiwasan ng dalaga na makaramdam ng panliliit sa sarili.
Napakasaya pa rin ng pulubi. Kahit iyon ang kalagayan nito. Samantalang siya ay naisipang tapusin ang buhay.
Tama nga ang tagasundo.
Isa siyang duwag.
Napakadali niyang sumuko.
Ang magpatalo.
Dahil sa isip niya wala ng ibang paraan. Kundi ang mamatay.
Pero sa totoo lang. Alam ng dalaga na sobrang natatakot siya.
Takot siyang maiwan ulit na mag-isa. Kaya mas pinili niya nalang mawala sa mundo.
" Binibini, Huwag mong lokohin ang iyong sarili. Dahil sa huli, ikaw pa rin ang masasaktan." Mahinahon ngunit seryosong saad pa rin ng tagasundo.
Napabalik tingin naman dito ang dalaga. Ngunit hindi parin ito kumikibo. Pinabayaan lang nitong magsalita ang lalaki.
" Alam mo sa sarili mo, kung ano talaga ang gusto mo. Hindi mo naman talaga gustong tapusin ang iyong buhay. Ang totoo sa puso mo, umaasa ka na may magsabi man lang sayo na okay lang ang lahat. Para kahit paano mabawasan ang sakit na iyong nadarama. Ngunit kahit isang salita. Wala ka man lang narinig na makakapawi ng iyong lungkot at takot. Kaya naisip mong wala ng ibang solusyon. Kundi ang kitlin ang sarili mong buhay."
Sa sinabi ng tagasundo ay hindi man lang namalayan ni Helena na pumapatak na naman ang luha sa kanyang mga mata.
" Tama ba ang mga sinabi ko binibini?." Tanong pa nito. Habang inaarok ang buong pagkatao ng dalaga.
Habang si Helena naman ay sinubukang pigilin ang kanyang luha. Pinunasan ng palad nito ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi. Mariin din nitong kinagat ang kanyang labi upang pigilin ang kanyang paghikbi.
Pero nabigo ang dalaga sa kanyang nais at tuluyang napahagulgol ng iyak. Awang awa ang dalaga sa kanyang sarili. Napasalampak pa ito ng upo sa sementadong sahig ng gusali.
Hindi na alintana ng dalaga na nasa itaas parin sila ng gusali.
Ang nais lang nitong gawin ay ang umiyak ng umiyak sa mga oras na yun. Hanggang sa masaid na ang kanyang luha.
Nararamdaman pa rin niya ang walang patid na sakit. Na wari ay nakapagkit na sa buo niyang pagkatao.
Nakakapanlumo. Ngunit wala parin magawa si Helena. Kundi harapin ang sakit na iyon.
Hanggang sa tuluyuan ng tangayin ang dalaga sa kanyang nakaraan.
Unti unti ay nagbalik sa utak nito. Kung saan nagsimula ang lahat.
Kung bakit sa tingin nito ay may kakabit na kamalasan o sumpa ang kanyang buhay.