Mattea's POV Nagpasya akong lumabas ng silid ngunit sa oras na naiapak ko na ang aking mga paa sa labas, halos hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang bahay ang ito. Ang chandelier na bumungad sa akin ngayon ay isa sa pinakamalaking nakita ko. Ito ang nagsisilbing liwanag sa pangalawang palapag hanggang sa baba. Humakbang pa ako ng ilang beses bago sumampa sa railings atsaka tumingin sa baba. May dalawang hagdan sa magkabilang gilid ko patungo sa baba kaya tinahak ko ang isa atsaka tuluyan ng bumaba habang pinagmamasdan ang buong lugar. Totoo ba ang bahay na 'to? Kasing enggrande lang ito ng mga Gutierrez pero halatang mas malaki ito. Kung nakatakong ako ngayon, siguro aalingawngaw ang tunog nito. "Dobryy vecher, madam." Napasinghap ako at mabilis na napalingon sa kabi

