Mattea's POV Nakatitig lang ako sa litratong hawak-hawak ko ngayon habang nasa loob ako ng silid ni Mauvy. Kasalukuyan itong nagbibihis dahil anumang minuto mula ngayon, darating na ang mga pinsan niya. 5th birthday ngayon ni Mauvy kaya maraming nagaganap sa baba. "Mama, namimis niyo po ba si lola?" Kaagad akong napalingon kay Mauvy nang magsalita ito. "Oo," sagot ko sa kanya atsaka inayos ang kwelyo ng kanyang suot na polo. "Ang ganda niya diyan mama, kamukha mo siya." Napangiti ako sa kanyang naging komento atsaka ito hinalikan sa noo. Binuhat ko si Mauvy bago ito pinaupo sa aking kandungan at hinayaang kunin mula sa akin ang litratong natanggap ko nong isang linggo. Titig na titig si Mauvy sa litrato bago magsalita. "Mama." "Hmm?" "Nasan po ang papa mo? May lolo po ba a

