Mattea's POV "Mckenzie, anak!" Isang magandang babae ang kaagad na tumakbo papalapit sa aming direksyon sa oras na nakalabas na kami ipinaradang sasakyan ni Denver. Nasa harapan namin ang isang malaking mansyon na sa tingin ko ang bahay ng mga magulang ni Mckenzie. Nabanggit niya kasi sa akin na nasa kustodiya ni Madam Yvonne ang anak naming dalawa kaya walang duda na mansyon nila ito. Humiwalay ako kay Mckenzie at hinayaan ang ina niyang yakapin siya ng mahigpit. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin ng makitang umiiyak si Madam Yvonne habang hawak-hawak niya ni Mckenzie. Naiintindihan ko siya dahil tulad niya, ina rin ako, at walang ina ang gustong makita ang sariling anak na nasa ganitong klaseng sitwasyon. "Mabuti at nakauwi ka na. Your father and I are so worried about you." Dag

