Chapter 16 MARGIE POV Nakatingin ako kay Sir Liam habang nagmamadaling umalis. Bigla ulit akong nakaramdam ng lungkot dahil mag-isa na naman ako rito sa kanyang bahay. Gustuhin ko man ulit pumasok sa loob ng ref ay hindi na pwede dahil baka magalit na naman si Sir Liam. Naglakad ako papunta sa pinto at sinubukan itong buksan pero hindi ko ito mabuksan kaya bagsak ang aking balikat habang papunta sa sofa. “bakit kaya hindi rito natulog si Sir Liam kagabi.” bulong ko naman sa aking sarili. Bigla naman akong napatingin sa pinto ng tumunog ito, tumakbo ako palapit dito panay naman ang aking pagpihit sa seradura pero hindi talaga ito bumukas. “Sino 'yan?!” sigaw ko pa hindi ko alam kong maririnig ako ng taong nasa labas. Napansin ko namang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Niall na

