SPECIAL CHAPTER 2 MARGIE POV Hindi ko pa ring maiwasang malungkot dahil hindi ko na nakikita si Irene. Ang sabi ni Mommy umalis na raw ito bilang katulong ni Niall. Bigla naman akong napatakip sa aking bibig na naamoy ko ang napakabaho na parang nabubulok na basura sa loob ng office ko, kaya lumabas ako at nagtungo sa kitchen nitong restaurant namin. “Mommy!” tawag ko naman kay Mommy Sharon dahil nandito siya sa kitchen. “Bakit Anak?” aniya ng makalapit ako at tinatakpan ko ang aking ilong. “Mommy ano po ‘yong mabaho?” tanong ko sa kanya dahil ang baho sa buong kitchen at para na akong nasusuka. “Anak, mabango naman dito at mga pagkain naman ang niluluto rito walang basura rito.” wika naman ni Mommy. Sasagot sana ako sa kanya pero bigla na lang akong nasusuka. Mabilis naman akong i

