Chapter 28 MARGIE POV Kanina pa ako tinatawag ni Irene pero hindi ko siya pinakinggan dahil gusto ko lang titigan lagi ang aking tiyan sa salamin dahil pansin ko na lumaki na siya ng konti kaya lagi ko na siyang binabantayan. “Margie lumabas kana diyan dahil kanina pa naghihintay sa’yo 'yong mga baklang mag-aayos sayo.” wika niya naman sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil gusto ko lang titigan ang tiyan ko, at ayaw kong pumunta sa mga bakla na sinabi niya. Ano kaya 'yong bakla? “Sige ka pag-ayaw mong lumabas ako na lang ang magpapakasal kay sir Liam.” agad naman akong napalingon sa kanya dahil sa kanyang sinabi. “Ano ka? Kami nga ang ikakasal eh,” maktol ko namang sabi sa kanya habang papalapit na ako sa pinto kung saan siya nakatayo. “eh, kasi parang ayaw mo siyang pa

