Chapter 14

2586 Words
Virac Catanduanes, nasa may diversion road na sila dumaan patungo sa resort nila Akiesha, Mula sa Daraga Airport ay nag byahe si Chelsea ng 4hrs. and 16mins, Na may 78km ang layo, nag layover lang sila para maka pagpahinga saglit sa byahe mga 1hr and 46mins naman ang tinagal nito, sapat na para maka pag chill saglit ang driver ng sinasakyan niya. Nalalanghap ni Chelsea ang preskong hangin na nag mumula sa di kalayuang dalampasigan, nilibot nya ang paningin sa magagandang tanawin ng Catanduanes. Maganda sa mata ang mga berdeng pananim sa paligid, totoo nga ang sinabe ni Akiesha patungkol sa lugar na ito, dati nag alala sya para sa kaibigan at inaanak dahil nga sa lugar na kinalagakan ng mga ito. Di naman lingid sa kanya na Catanduanes is located off the coast of the Bicol Region in the southern part of Luzon and faces the Pacific Ocean. Because of its location, the province is usually the first place in the Philippines to get battered by typhoons, and so the province is usually called the “Land of the Howling Winds.” Catanduanes is also known for its beaches, prehistoric caves, quaint stone chapels and massive churches. Despite the typhoons, safe anchorage is provided by its many bays and coves notably Kalapalan, Gigmoto, Soboc, and Cabugao. Its a Pacific coastline that attracts surfers, particularly at Baras. The province features beaches with fine sand and coral formations and several caves which include the "Luyang Cave." Kaya naman lagi syang kinakabahan sa twing may balitang Bagyo sa lugar nito. But sino ba makakapagsabi na andito na sya sa lugar na kung saan kinatatakutan nya dati? Napangiti nalamang si Chelsea sa sarile, She knows mag eenjoy sya dito kahit naminighati ang kanyang damdamin. Lilibutin nya ang kasuloksulokan ng Catanduanes, ika nga ni Akiesha Catanduane has many things to be discovered. Kung hinde nga lang sya buntis eh papasukin din nya ang mga nag-gagandahang kweba na ipinagmamalaki ng mga Catanduanes. Siguro pag nailabas nya na ang baby nya baka sakali. At isa din sa gusto nyang mapuntahan at ang Museo de Catanduanes balita nya pa nga madami daw mga fine artifacts dito. Eh mahilig pa naman syang manuod o makakita ng mga old or historic features. Kaya na eexcite na din sya kahit papano. Kaya naman tuloy nag sisi sya kung bakit di sya pumayag noon sa pang hihikayat ni Akiesha, eh di sana na libot na nya ang buong Catanduanes kapag daka. But she knows everything has a reason, siguro ito yong reason para sa kanya na inilaan ng nasa itaas ang mag isip na muna kung ano ang dapat sa hinde at ang tama sa mali! “ma’am Akiesha tumawag na po yong tour guide nating si Mon, nag papaextend daw po yong mga guest nya. And asking If maka avail daw po sa discount natin?” ani Mharie ang receptionist ng Rio del Prado na kung saan pagmamay-ari na ni Akiesha ang Beach Resort na isinalin ni Paul Andrie dito mula nang ma engage na ito sa jowang nasa ibang bansa. Gusto sanang bayaran ito ni Akiesha pero di pumayag si Paul Andrie, regalo nalang daw nya ito sa bagong buhay ng mag-ina, at di naman daw na iba ang turing ni Paul Andrie sa kanila. Kaya sa kanya pinamana ni Paul Andrie ang resort dahil alam ni nito na kahit kilan ay di ito pababayaang mawala ni Akiesha, At higit sa lahat ay buo ang tiwala nyang magampanan ni Akiesha ng mabuti o mas higit pa sa inaakala nya. Kaya naman bago ito lumipad pa ibang bansa ay naisalin na nito kay Akiesha ang lahat. Kaya naman pinangako ni Akiesha na di mawawala ang resort at si Paul Andrie na din mismo ang nag pabago ng pangalan para sa mag-ina, dati itong “Paraiso del Mar” na pinalitan na nya ng “Rio del Prado”. “Ahhh….ganon ba? Sige paki check mo nalang quantity ng guest, alam mo naman yong covered natin sa discounting di ba? So if pasok sila din go for it! Okey?” sagot naman ni Akiesha na binutingting ang bag nakasabit sa balikat tila may hinahanap ito. “Okey po maam! Noted” nakangiting sagot balik ni Mharie. “Ohhh by the way, paki check na din if saan na daw banda si Chelsea? Di pa kasi natawag yong driver na maghahatid sa kanya dito sa resort!” balik tanong ni Akiesha nang ma-alala ang kaibigang kanina pa nya inaantay. susunduin na sana nya ito mula sa port kaso may meet up sya sa bago nyang supplier, di naman nya pweding e move ang meet up nila, kasi naka schedule na ito at busy din ang new supplier nyang ito naisingit na nga lang sya nito. “right away maam, tatawagan ko po and I’ll inform you po A.S.A.P” nakangiti paring turan ni Mharie. “thank you Mharie, it’s really a great help!” ika ni Akiesha na ngumiting pabalik dito. Sabay lakad patungo sa intrada ng resort na kung saan naka antay na ang driver na nag bubukas ng sasakyan nya. Nag iinat ng mga nangangalay na binti si Chelsea sa may upoan ng resto na pinag hintuan nila ng biglang lumapit ang driver na inuupahan nya. “Maam? Tawag po galing sa Rio del Prado” aning butihing driver. Nag pasalamat at Agad namang tinanggap ni Chelsea ng mapag-alamang galing sa resort ni Alyssa ang tawag. “Hello? Yes?” ani Chelsea “Hello maam Chelsea? This is Mharie of Rio del Prado, pinapa check lang po ni maam Akiesha kung saan na po kayo?” aning sagot ng nasa kabilang linya. “ohh, ahhm nag layover lang kami sandali ng makapag pahinga, but in a minute papunta na din kami dyan, si Akiesha ba andyan?” balik sagot ni Chelsea. “ok po maam, ahhmm nasa meeting po si maam Akiesha, pinapasabi nga po if dumating kayo eh tawagan daw po sya agad.” Ika ng huli “ganon ba? Ok sige, tatawag nalang ako if malapit na kami” ani Chelsea “ok po maam! Have a safe trip po” magalang na pamaalam ng kabila. “Thank you!” Si Chelsea. At binalik na sa driver ang telepono. “Maam, mag cr lang po ako saglit at kung ok na po kayo pwede na po tayong lumakad” magalang na savi ng driver. “Tapos na po ba kayong kumain manong?” balik tanong ni Chelsea. “opo maam kanina pa po, inaantay ko lang po kayo!” medyo na hihiya pang savi ng driver. “Ganon po ba! Sige po mag cr po muna kayo saka tayo lalakad oagkatapos nyo” nakangiting saad bi Chelsea dito. Dali-dali namang tinungo ng driver ang palikuran ng resto para sa tawag ng kalikasan. Nahihiya kasi itong mag tanong kung aalis o hinde pa, baka kasi nag papahinga pa ito at naiintindihan naman nito dagil nga sa kalagayan nito, di birong mag byahe na malaki ang tyan. Sa di kalayuan naman ay kanina pa nagmamasid ang apat na lalaking nakaupo sa may labas ng resto, may mga nakalatag din kasing mesa don para sa mga costumer na gusto sa labas kumain. “Sa tingen nyo si Akiesha na ang kausap nya?” ani Fredrick na binaba unti ang eyeglass na suot habang minamasdan si Chelsea na tila may kausap sa telepono. “Maybe! Baka dito na sila magkita” si Hendrich na dumadaos-os nang unti mula sa pagka-upo at sinipat din si Chelsea. “She looks so tired!” ani Adrian na kinakitaan ng pagka-awa sa asawa habang nakita nya itong muling ini stretch ang mga binti mula sa pagka-upo nito. “Baby, I’m so sorry, for causing you this! I promise I’ll make it up to you!” dugtong na na usal ni Adrian. Tinapik naman sya ni Ethan bilang pag suporta at bilang pahatid dito na appreciated nya ang ginawa nito lalong lao na si Chelsea. He promise to himself na babawi sya sa mag asawang ito pag natapos na ang gusot na kinalagakan nya ngayon. “crossing fingers that it will goes smooth bro!” ani Hendrich na ramdam din ang paghihirap ng kaluoban ng kaibigan. Alam nya kung gano kasakit ang mawalay sa mahal mo lalo na at nag dadalang tao pa ito. Huminto sa tapat ng isang maluwag na entrada ang sasakyan ni Chelsea. Maya-maya lang ay bumaba na sya sa kotseng kinalulanan. Ipinikit nya ang mga mata upang damhin ang preskong hanging nang gagaling sa dalampasigan, it makes her felt so calm and so ease. The coldest breeze make her felt chilled a bit! “Good morning Visitors, welcome to Rio del Prado, a place where you could feel the beat and chill the vibes!” bati ng mga receptionist na nag pamulat kay Chelsea. Matamis na ngiti ang ginanti ni Chelsea sa mga bumabati. At maya-maya ay inialok na ang isa sa mga ito, may hawak na inumin na nasa isang basong pahaba na kulay dilaw at may dekorasyong payong pa, tantya nya mango juice o punch ata ito. Kumuha sya ng isa at parang natatakam syang inumin ito. She sip a little to taste it by her taste buds, tama nga ang hula nya it’s a mango flavored juice na may twist, creamy and tasty ang juice na natikman nya, in total masarap ang very refreshing kaya naman na pa sip pa sya ng madami. “ Mam Chelsea?” aning isang babae na nasa 5’5” ang tangkad, balingkinitan ang katawan, morena ito pero makinis ang balat, maamo ang mukha na naka pagkit ang matamis na ngiti nito sa mga labi habang binabanggit nito ang pangalan nya. Tumango sya bilang pag patotoo na sya nga ang tinatawag nito. “ Welcome to Rio del Prado maam!” dugtong bati ni Mharie “ I am Mharie po, yong nakausap nyo po sa phone!” pagpakilala nito uli. “Ohhhh! Nice meeeting you Mharie!” ani Chelsea sabay lahad ng mga kamay bilang pagbati. “it’s a pleasure to finally meet you maam!” si Mharie na lalo lumapad ang mga ngiti, napagtanto nitong sing bait din ang bisita ng amo nilang si Akiesha “Alam ko pong pagod na po kayo, kaya dito po ihahatid po muna namin kayo sa bahay ni maam Akiesha, yon po ang bilin sa amin ni maam!” dugtong na sabi nito. Tumango lamang si Chelsea bilang pagsang-ayon dito. At giniya na nga ito ni Mharie patungo sa bahay na nasa may kabilang panig ng resort. Sa daanan ay nakalatag ang ibat-ibang halaman na kay ganda sa mga mata, sa paligid naman ay maririnig mo ang hampas ng alon sa dalampasigan. Bago makarating sa bungad ng bahay ni Akiesha ay may pa arkong vines na kulay berde na nag bibigay ganda lalo sa kulay puting up and down na mansyon na may balkonahing naka harap sa may entrada nito. at Sa gitna naman ay may stone pathway patungo sa pintuan ng lmansyon. Sa bawat gilid ng pathway ay may mga halamang nakaka refresh sa mga mata, napangiti si Chelsea, kaya ulpala mas pinili na ni Akiesha dito at yong pagkahilig nito sa mga pananim at bulaklak ay malaya nitong nagagawa dito sa munti nitong paraiso. Nang mapalingat sya sa may kanang bahagi ay nakita nya ang isang playground na may seesaw, duyan at iba pang pang out door na laruan, dito naglalaro si Dalton yon ang naiisip ni Chelses. Sa kaliwang bahagi naman ay may gazebo na pinapalibutan ng mga bulaklak na orkidyas, napangiti uli si Chelsea nahahawig ito sa gazebo nila sa bahay. Maya-maya lang ay nagbukas ang pintuan at iniluwa dito ang upirmadong kasambahay nila Akiesha, nakangiti itong sinalubong sina Chelsesa. “good morning po mam Chelsea! Welcome home po!” masayang bati ng kasambahay. “Good morning din po sa inyo” balik bati naman ni Chelsea na sinuklian din nya ito ng matamis na ngiti. “manang, kayo na po ang bahala kay mam Chelsea.” ani Mharie sa kaharap. “ay no problem po mam Mharie, kami na ho ang bahala kay mam Chelsea.” Magalang na sagot ng kasambahay. Nag paalam naman agad si Mharie kay Chelsea upang asikasohin na nito ang mga dapat nitong gawin sa resort. Nag pasalamat naman si Chelsea sa pag-eestima nito sa kanya. Giniya naman sya ng kasambahay sa luob ng bahay at inihatid sa kwarto kung saan nakalaan na sa kanya. Maaliwas ang luob ng kwarto, tila may payapa ang kaluoban ni Chelsea ng pumasok sa kwarto, nang makita naman nya ang malambot na kamay at tila hinihila naman sya nito para ilapag ang pagal nyang katawan mula sa mahabang byahe. Dali-dali nyang hinubad ang sandalyas na suot at di na nakapagpalit ng damit ay dagli nyang inilapag ang pagal na katawan. Namumungay sa antok ang mga mata ni Chelsea ng maramdaman ang kalambutan ng kama na sumasalo sa pagal na pagal nyang katawan. Maya-maya lang ang mahina na itong naghihilik. “Titaaaa Mommiiii!” matinis na si sigaw ni Dalton na nagtatakbong pumasok sa luob ng kabahayan. “Dalton! Watch your step! And don’t run upstairs!” si Paul Andrie na sinasaway si Dalton mula sa pagtataksil nito. “Daddy! I’m so excited to see tita mommi that’s why I’m running!” ani Dalton na humarap pa kay Paul andrie para ipaalam dito kung gaano sya ka excited. “I know baby, but you have to be careful, you might slip off the stairs, and tita mommi won’t like it if you would fall!” paliwanag naman ni Paul Andrie. Tila nakuha naman ni Dalton ang gustong ipahiwatig ng Daddy Andrie nya, kaya ngumiti nalamang ito at tumango bilang pagsang-ayon. Maya-maya lang ay hila-hila na nya ito para tungohin ang kwarto ng tita mommi nito. Napailing na lamang si Paul Andrie, ganon talaga si Dalton pag may gusto itong makita o makamit hinde pwede dito ang “Maya na habit” kaya nagpayakag na lang sya dito habang hila-hila. Nasa harap na sila ng kwarto ni Chelsea ng kinatok ng marahan ni Dalton, ang pintuan. Naka ilang na katok at tawag na ito ay wala pa ding sumasagot. Nagkatinginan naman ang dalawa, tila nag tataka at wala man lang narinig na sagot mula sa luob ng kwarto. Tama naman ang pagka rinig nila sa sinabe ng kasambahay na nasa kwarto na nga daw si Chelsea at nag papahinga. Kaya naman napag-pasyahan nang dalawa na buksan na lamang ang pintuan at baka napaano na ito sa luob. Medyo may pag-alala sa kilos ni Paul Andrie. Nang mabuksan ang pintuan, at tumambad sa kanila ang mahimbing at natutulog na Chelsea sa ibabaw ng kama, tila ito bata sa himbing ng pagkatulog, rason kung bat wala silang sagot na naririnig ng tinatawag ito ni Dalton, napangiti si Paul Andrie ng bahagya, para pala itong mantika kung matulog. kahit dambahin mo ay tyak nyang di ito magising ng basta-basta Kaya naman napagpasyahan nilang pabayaan nalang muna itong matulog at baka napagod ng subra sa byahe kaya ganon ka himbing ang pagkatulog nito. Hinila na nya ng marahan si Dalton at suminyas pa ng wag maingay at baka magising ang tita mommi nito. Tila naiintindihan naman ni Dalton ang minumuwestra ng Daddy Paul Andrie nya kaya tumango ito at pa tip-toe na lumabas ng silid. Marahan namang sinara ni Paul Andrie ang pintuan, ingat na ingat sa pagsara para di magising ang nahihimbing na pagkatulog na Chelsea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD