Chapter 20

1989 Words
“Mharie, ang mam Akiesha mo?” tanong ni Andrie sa secretary ng kaibigan. “Ayyy…kayo pala sir Andrie, nasa office po si ma’am Akiesha. Wait po tawagan ko po sa intercom!” ani Mharie na matamis ang ngiti. “No need Mharie, ako na ang pupunta. Hinde naman ata busy yang boss mo no?” nakangiti na din balik tanong ni Paul Andrie dito. “Ahh… okey po sir! at hinde po busy si mam, wala din po syang appointment ngayon sa pagkakaalam ko po!” sagot naman ni Mharie. “Good! Sige Mharie pupuntahan ko na muna yon at baka biglang magkaroon ng appointment!” ani Andrie na tinipa pang parang keyboard nang desk sa harapan ni Mharie. Napangiting sinusundan ng tanaw ni Mharie ang dating amo, ang sweet talaga ng mga ito sa isa’t-isa, kung di lang nya kilala ang mga ito ay iisipin Nyang mag jowa ang mga ito sa kasweetan. Napabaling lang ang tingen ni Mharie sa harap ng marinig ang pagtikhim ng nasa harapan nya. Instant ngiti naman ang inilaan nya dito. “Good morning, sir! How can I help you?” naka ngiting bati ni Mharie dito. “Ahhhmm, can I have an appointment with your boss?” aning gwapong lalaki kay tamis ng nakapagkit na ngiti sa mga labi nito. “On what purpose sir? And your name please?” ani Mharie habang yumokod sa ilalim ng desk para kunin ang notebook for the appointment. “Supplier po ba kayo ng ano po?” dugtong pa nyang tanong sa kaharap. “Oh, sorry I’m not a supplier or what so ever! I just want to make an appointment with your boss for a certain reason.” Balik sagot ng gwapong lalaki kay Mharie. Napaangat nang mukha si Mharie sa kaharap, buong akala nya eh supplier ito na mag po-propose ng business sa boss nya. “Ai, so sorry sir. Hinde po nag papa appointment si ma’am ng mga private appointment maliban po sa kapamilya nya o close friends lang po!” paliwanag na sagot ni Mharie. “Friends? Or close relatives po ba kayo ni ma’am, in that case ay pwede po kitang maisingit sa schedule ni ma’am” nakangiti pa din sambit ni Mharie. “No…no…Ahhhmm…actually, I am related to her female friend.” Naka ngiting saad ng gwapong lalaki. Napataas ng kilay si Mharie mariin ang tingin na ipinukol nya dito. “Who’s friend po sir?” mahinang tanong ni Mharie. “Gia!” maiksing ika ng lalaki. “Ahh…si ma’am Gia. Eh bat po kay ma’am Akiesha kayo kumuha ng appointment? Pwede ko naman mong matawag sa intercom si ma’am Gia para po maharap kayo ngayon din, wait lang po.” Nakangiti nang saad ni Mharie na akmang kukunin ang intercom. “Oh, no…no…si Akiesha ang gusto ko makausap muna!” mabilis na inihinto ng lalaki ang kamay ni Mharie para kunin ang intercom. Napakunot naman ang nuo ng babae na nakatingin sa lalaki. “Actually, mas gugustohin ko munang makausap si Akiesha bago si Gia! Please?” may pagsumamo na sa boses ng gwapong lalaki. “Ahhmmm…ok po! Try ko po if papayag si ma’am for your appointment!” tila nagugulohan pa din si Mharie sa kaharap, habang kinuha na ang intercom sa kabila na dumugtong sa opisina ng boss nya. “Name please?” dugtong pa nya dito. “Adrian, just tell her Adrian!” asiwang ngiti na ika ng lalaki. “Adrian?” balik tanong uli ni Mharie na nag aantay ng isasagot ng kaharap. “Ahhh! Adrian Chavez!” aning lalaki na napabuntonghininga. Napa cross finger din ito na sana di kasama ni Akiesha ang asawa sa opisina nito. Napalingon pa sya ng nag salita na ang babae. “Ma’am Akiesha? Yes ma’am, appointment A.S.A.P ma’am!” ani Mharie na napatingin sa kaharap na tila kinakabahan ata. Napatitig naman si Adrian dito, nag aantay ng isasagot ng kabilang linya. “Adrian Chavez ma’am? Yes, ma’am! Ok po ma’am! Sige po!” nakangiti na si Mharie na bumaling muli ng tingin sa lalaki. Ibinaba na nito ang intercom at hinarap ang lalaki. “Sir? Ok na po appointment nyo! Pwede na daw po kayong pumasok sa opisina ni ma’am Akiesha!” naka ngiting pagbabalita ni Mharie dito. Tila nabunotan naman ng tinik sa dibdib si Adrian sa narinig. Kaya naman tudo ang ngiti nya habang nag papasalamat kay Mharie. Itininuro naman nito ang daan papunta sa opisina ng boss nya. Ng mapagtantong kaya na ng bisita ang pagpaparoon ay bumalik na din si Mharie sa pwesto nya at patuloy naman sa pagtalonton si Adrian sa kwarto ng opisina ni Akiesha. Tatlong katok sa pintoan ang ginawa ni Adrian bago nya marinig ang boses na nang gagaling sa luob. “Come in!” ani boses ni Akiesha. Pinihit naman ni Adrian ang pintoan, bumuntonghininga pa nga sya bago sinilip ang ulo sa luob ng silid. Napaka aliwalas ng luob ng opisina ni Akiesha, a touch of feminine décor ang naka palibot sa silid na iyon, light minimalist style din ito. Napakasarap sa mata ang kulay ng silid opisina ng dalaga, ng ma satisfied sa Nakita ay napabaling naman ito sa desk kung nasaan prementing naka upo si Akiesha, sa harap nito ay nakaupo ang pamilyar na mukha ng isang lalaki, napangiti si Adrian ng mapagsino ang lalaki. Si Paul Andrie pala ito. Humayo ito para salubongin si Adrian. Tudo ang ngiti nito sa kanya ganon din si Akiesha na tumayo na din sa pagkaka-upo nito. “Helloooo….Helloooo…! its so nice to see you Adrian!” masayang bati ni Andrie. Sabay abot ng kamay at beso kay Adrian. “So nice to see you again Andrie! And so glad na nakarating din ako dito sa lugar nyo!” nakangiting saad ni Adrian, habang inabot ang kamay at pakipag beso ng kaharap. “Hi Adrian! Glad to see you here too!” si Akiesha na tudo ang ngiti sa labi habang lumapit at nakipag beso kay Adrian. “Nice to see you again Akiesha! You look so stunning! As usual!” bati naman ni Adrian na naka ngiti pa din at tinanggap ang pakikipag beso ni Akiesha. “Hayy naku! Kung di pa kayo nagkaroon ng tampohang mag-asawa ay di ka pa mapa-padpad sa lugar naming!” nakangiting saad ni Akiesha. Napakamot naman ng ulo si Adrian habang pangiti-ngiti ito. “Ha.ha.ha. Babe, wag mo nang ipahiya si Adrian. Alam mo naman din yang bestfriend mo, may hormonal charges lagi…ha.ha…ha” ani naman ni Andrie habang inaya si Adrian na umupo sa mahabang sofa na nasa kaliwang bahagi ng opisina ni Akiesha. “Pasensya na kayo! Lalo na sayo Akiesha!” pakamot-kamot na ika ni Adrian. “Suss! Wala yon! Ano ka ba! Open kayo dito, and mas Maganda ngang nag ka tampohan kayo and see andito kayo pareho!” nakangiting biro ni Akiesha dito. “Right babe! Kung di pa nagkatampohan ang dalawang yan malamang ilang taon pa bibilangin natin bago mag si puntahan yang mga yan dito.” Nakangiting saad naman ni Andrie kay Akiesha. Napatikhim si Adrian. Tila asiwa ito. Napansin naman ni Andrie ito kaya kinindatan nya si Akiesha na iiwanan nya muna ang mga ito. Nakuha naman ni Akiesha ang ipinahiwatig ni Andrie kaya tumango ito. “Gustohin ko pang Samahan ko kayo dito ngayon, but I guess kailangan kong mauna na muna sa inyo! I got some errands to catch up! Kaya mamaya sa bahay ka na maghapunan Adrian, para makapag usap tayo at maka pag bonding na din!” ani Andrie na nagpapaalam at nag papaanyaya kay Adrian, sabay tayo at halik kay Akiesha. “Babe, have a favor naman, paki daanan mo yong fruits kay aling Melinda! Now kasi ang pick up non, and sa bahay yon ha? Alam mo naman si juntis!” nakangiting ika ni Akiesha dito habang tinatanggap ang halik nito sa nuo nya. “Oh, sure! No problem!” sagot naman ni Andrie sa dalaga. “Adrian, I’ll catch you up later! Kayo muna ang mag Kamusta ni Akiesha, alam kong madami kayong ika-catch up!” dugtong nitong ika sabay abot ng kamay kay Adrian. “Ahh, sige pare! Salamat!” sambit ni Adrian na tinanggap ang pakipagkamay ni Andrie. Tuloyan nang tinungo ni Andrie ang pintuan, pinihit nito ang pinto upang makalabas na ng silid na iyon, muli pa itong bumaling sa dalawa at nag wave pa ng kamay pahiwatig na aalis na nga ito ng tuloyan. Sabay namang tumango ang dalawa bilang pag paalam sa binata. Bahagyang natahimik ang silid kapag daka, tumikhim si Akiesha, napatingin naman si Adrian dito. “Akiesha, I’m so sorry!” pagsumamo na saad ni Adrian sa dalaga. “Shhh….no its ok! You don’t have to! Ok lang yon!” nakangiting saad ni Akiesha. Napatanga naman si Adrian sa tinuran ng dalaga. “You mean ok lang sayo na sinamahan ko si Ethan na makarating dito? Na payag kang makausap nya?” amaze na ika ni Adrian. Ngumiti si Akiesha bilang pag-sang ayon sa sinabe ni Adrian. “Whatever we had before is worthless now, I realize it nang makaharap ko sya!” ani Akiesha na may ngiti sa mga labi. “Nasabi na nga sa akin ni Ethan na nagtagpo na raw kayo at naka pag-usap!” sumeryoso ang mukha ni Adrian habang sinasabe nya ito. “Alam ko kung gaano ka nasaktan sa nangyayare sa inyo ni Ethan, at wala ako sa posisyon para hingiin sayo ang mga bagay na alam kong hinde mo pweding ipagkaluob. Pero sa totoo lang Akiesha? Masakit para kay Ethan ang karmang tinatamasa nya ngayon. Oo, nararapat lang sa kanya itong mangyare dahil hinde biro yong nagawa nya sa inyong mag-ina. But giving him a second chance? Might as well be a good try!” dugtong ni Adrian na atubili pa itong bigkasin. Napatingen si Akiesha sa kanya. “Looking back to those days na subra ang kahihiyang inabot ko sa mga nakakilala sa akin? Isinusumpa ko yong araw na iyon, lalo na ang pagtalikod nya sa amin ng anak ko! Ang pagmamakaawa ko noon kahit para sa anak ko nalang sana, lahat ng iyong ay nakabaon pa din dito Adrian!” may pait sa boses ni Akiesha habang sinasabe nya ito kay Adrian. Itinuon pa nya ang dalire nya sa dibdib Nyang kay tagal nang naghihilom ngunit ramdam pa din nya ang sakit at hapdi ng nakaraan. “ilang ulit pa akong nag mamakaawa non sa kanya, ilang beses kong binaba ang sarile ko para lang piliin kami ng anak ko! Pero bingi sya sa lahat ng pagsusumamo ko noon. Halos madudurog na ako sa kahihiyan sa mga mapang alipustang mata ng mga taong mapanghusga. Ninais kong lamunin nalamang ako ng lupa para mawala nang lahat ng sakit at kahihiyang naibigay ko sa aking sarile. Kung hinde dahil kina Gia? Baka wala ka nang Akiesha at Dalton na makikita Adrian.” Dugtong saad ni Akiesha na may garalgal na sa boses nito. “Akiesha!” tanging sambit ni Adrian. Ngayon na lalong Nakita ang tunay na sakit at pighating rumihestro sa mukha ni Akiesha. “Haiiizztt! Bat ba natin ibalik yong nakaraang matagal ko nang kinalimutan! Ayuko nang balikan yon! Teka lang yong prob nyo ni Gia ang pag-usapan natin.!” Ani Akiesha na binago ang takbo ng usapan. Napakamot naman sa ulong hinde makati si Adrian. At napabuntonghininga ng palihim. Alam Nyang masaya na si Akiesha, kung ano man ang nais nya sanang sabihen pa ay isasantabi na muna nya ito. Mas kailangan nya ang tulong ngayon ni Akiesha para sa kanila ni Gia. Miss na Nyang subra ang asawa at nag-alala na sya sa kalagayan nito. Lalo na’t malapit na nitong iluwal ang magiging first born nila. Kaya hahayaan na lamang nya ang panahon ang mga aayos sa ano mang dapat maayos para sa kanyang kaibigang si Ethan, sa pagkakataong ito mas mahalaga muna ang pag-aayos nila ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD