Kanina pa nakatingen sa kawalan si Akiesha, kanina pa din natapos ang pag-uusap nila ni Ethan, pabuntonghininga at ipinilig nya ang ulo ng makailang ulit. Tila nag lalaban ang kanyang diwa sa positibo at negatibong pag-iisip. Naroong ilang beses na Nyang pinaikot ang tangang ballpen, ibaba at sumandal sa swivel chair at mariing pumikit. Nasa ganon syang posisyon nang madatnan ni Paul Andrie. Napailing ang kaibigan nang makitang tila nag aalinlangan ito sa nais gawin. Ang layo ng isip nito. Na kahit ang pagpasok nya sa silid tanggapan nito ay di man lang nito napapansin. Kaya naman kinatok nya ang lamesa nito ng tatlong beses saka palamang ito napatingen sa kanya na tila nagulat pa nga ng makita sya nito. “H…hiii…. Kanina pa ka paba dyan?” gulat na saad ni Akiesha kay Paul Andrie. “Aaahhh

