Jason Ryle's POV "Ito lahat-lahat ng ebidensyang hawak ko." Inilapag ko sa lamesang napapagitnaan namin ni Mr. Filomeno ang lahat-lahat ng hawak kong ebidensya na nakakumpol sa iisang brown envelope. "Nasa loob niyan ang mga taong pinapatay niya dahil sa may utang ito sa kanya at mga illegal na gawain ng kapatid mo. Bukod pa diyan, nakausap ko na rin ang mga pamilya na pinatay ni Onishi para maging isa sa mga ibidensya," mahinang saad ko. Napalingon ako sa gilid ko kung saan payapa pa rin na natutulog ang asawa ko. Sana nga natutulog lang siya at sana mapagod na siya sa kakapikit ng mga mata niya. Gusto ko na siyang makitang mulat ulit at masayang kinakausap ako. "Tama ba na dito tayo mag-usap?" Muling bumalik ang tingin ko kay Mr. Filomeno. Ang ama ng asawa ko. Muli silang kinuhaan n

