Ayeza Blythe's POV Ibinuka ko ang dalawang braso ko at nagsimulang sumipa ng dalawang paa ko sa ilalim ng malamig na tubig ng karagatan. dinama ko ang bumabalot sa hubad kong katawan na napakalamig na tubig. Huminto ako sa paglangoy ng malapit na ako sa pang-pang. Tumayo ako at itinapak ang mga paa ko sa malambot na lupa sa ilalim ng tubig. Tumulo ang tubig mula sa ulo ko pababa. Napapikit ako at itinaas ang dalawang kamay ko para alisin ang tubig sa mata ko. Muli kong iminulat ang mga mata ko at nagtagpo ang mga mata namin ng isang binata na mainit ang tingin sa akin. Naglakad ako papunta kay Ryle na nakahiga sa malaking duyan at tanging short na hanggang taas ng tuhod lamang ang suot. Malakas ang loob ko na maglakad ng hubot-hubad dahil siya lang naman ang nakakakita. "Damn, baby!

