"Aalis pala ang family mo papuntang Europe?" Tanong sa akin ni Cameron. "Yeah. Gusto nga sana tayong isama kaso wala pang passport ang kambal. Dad wants to postpone the trip for us but since that was planned a year ago, I told him to leave us. Marami pa namang pagkakataon na makasama nila tayo. Isa pa, may pasok ako sa school at talyer." I am taking a vocational course which is Automotive Mechanical Assembly. Gusto kong mas lumalim pa ang kaalaman ko sa pagmemekaniko. Tumango siya bilang pag-sang ayon. Tinitigan ko si Cam na abala sa pag-sasalang ng labahan. She still looks beautiful but something is missing..... "Hindi ako papasok sa talyer ngayon," napalingon siya bigla sa akin. "I will take a day leave." "Why?" Nagtatakang tanong niya dahil first time ko yata iyong sinabi sa kany

