6th Stop

1867 Words
"SHAME!"  sinulyapan ko si Anton na nakasimangot.  "SHAME! SHAME! SHAME!" "You want me to ask you what happened, right?"  I asked her and she nods. "Si Ross, he rejected me!  Hindi niya tinanggap ang rose na bigay ko!  Tinapon pa kamo sa lupa!"  I want to laugh but I can't.  Baka kasi bigla siyang umiyak. "And can you please tell me why do want to give him that?"  tuluyan ko nang isinarado ang hawak kong libro.  Alam kong parating na rin kasi si Alex so ayoko namang pagsabihan na naman ako nun.   "Do I need to answer you?"  suddenly, she's into her dreamy state.  Nawala ang pangungunot ng ulo niya.  "Ang gwapo gwapo kaya ng friend ng boyfriend mo!" "Prox looks good as well,"  hinila naman ni Messie ang upuan palapit sa amin.  "If not for his specs.  Ang panira lang talaga, si May." "Maynard is cute,"  sabi ko sa kanilang dalawa na ikinalaki ng mga mata nila.  "What?!  Porket mataba, pangit na? And correction,  Alex is not my boyfriend.  Ang bata bata ko pa for that.  Baka makurot ako ni Mommy." "Eh di let's make it a huge secret,"  napatawa na lang ako.  "But that is impossible.  Sa klase ng ugali mo, mas malamang pa na maging old maid ka,"  nangalumbaba si Messie.  "Pero pamatay talaga ang looks nina Mason at Ross.  But I think I know the reason why he rejected you." Inantay namin pareho ni Anton ang sasabihin niya.  Umusod pa talaga para lalong mapalapit sa amin.  "Because I heard,  ang crush talaga niya eh si Cam!"   "Hindi nga?!"  biglang tili ni Anton at tingin sa akin na may panlalaki pa ng mata.  "I hate you Cam!  Inaagaw mo ang prospect ko!" Lumayo ako ng konti sa kanya dahil sobrang lapit na nang mukha niya sa akin.  "And why, may I ask?  Sinabi ko ba sa kanyang magka-crush siya sa akin?" She folded her arms and pouted.  "Ang tagal tagal ko na kaya siyang crush, since pre-school days pa namin.  Ngayon nga lang ako nagkalakas ng loob na sabihin sa kanya, eh tapos malalaman ko, may gusto pala siya sa kaibigan ko!" "Hoy, maarte!"  hinaltak ng mahina ni Messie ang buhok ni Anton.  "She is right.  Wala kang karapatang mag-selos kay Cam dahil hindi nya naman kasalanan na magustuhan siya ni Ross.  And don't worry, he will not pursue his feelings with her.  Baka gusto niyang may kalagyan kay Mason.  Eh kalat sa buong school na gusto ni Mason si Cam!" Nangalumbaba siya.  "Sabagay,"  sumulyap siya sa akin.  "Sorry Cam.  Nadala lang ng emotion.  Nakalimutan ko kung paano na lang sambahin ni Ross si Mason kaya imposibleng ligawan ka niya." "Ano ka ba?!  Kahit naman ligawan niya ako, walang mangyayari.  Bukod sa ang bata bata pa natin, I promised myself that no boyfriend till I finish school.  Eh twelve pa lang tayo so I still have years to count to have one." "So.......magkakaroon na ako ng pag-asa kay Mason?"  ngiting ngiti sa akin si Messie.  Natawa ako when she looked at me with hopeful eyes so I nod.  "YES!"  kulang na lang, tumalon siya sa kasiyahan.  "Ibinalato na sa akin ni Cam si Mason!" "Kailan pa ako naging prize, girls?"  I secretly smiled when I heard his voice.  "Hi Princess,"  he pulled one chair in front of me.  May ibinaba siyang isang plastic na kung ano.  "Let's have our snacks.  Di pa ako kumakain, eh." And he opened the plastic bag and took out the two styros and cups of juice.  "Eat.  Halos wala ka daw kinain this breakfast." Takang napatingin ako sa kanya.  How did he.......... "Ninang Sandy told me that you just ate banana and some cookies.  Mamaya pa ang lunch break kaya kailangang kumain ka,"  he opened the styro.  Burger ang laman nito.  "Eat.  You are so skinny.  Ayoko ng babaeng masyadong payat.  Isa pa, baka sabihin ng mga tao, hindi kita inaalagaan." I stopped myself to pout.  Baka kasi pagalitan na naman ako nito.  Kinuha ko ang isang styro ng burger at sinimulan ko nang kumain. "Sorry guys if I just bought for two,"  tumingin siya sa dalawa.  "Ang concern ko lang naman kasi, kumain si Cam at para kumain siya, dapat sabayan ko." "Ang sweet mo naman Mason,"  kinikilig na sabi ni Messie.  "Sana ganyan ka din sa akin." "Uy, Messie, mahiya ka naman sa balat mo!"  inis na nilingon ni Messie ang tumawag sa kanya.  It's May who is holding a paper bag na malamang, pagkain din ang laman.  "Don't try to fit yourself in those two.  Dito kayo sa akin ni Anton."  Sabay niyang hinila ang dalawa palayo sa amin ni Mason. "Eat.  Ang tamilmil mong kumain.  Paanong magkakaroon ng nutrients yang utak mo kung hindi ka kumakain ng tama?"  kinuha niya ang straw at itinusok sa lid ng juice cups.  "I will eat if I want to,"  reklamo ko sa kanya.  "It is just that, I really don't feel like eating anything heavy in the morning." "That is where you're wrong, Cam.  Eat heavy in the morning and you can eat less the whole day.  That is what I am doing.  I eat early in the morning, read some lessons then prepare for school.  Ngayon lang ako hindi kumain ng maraming rice because I want to eat with you.  Sabi ko nga kanina kay Ninang Sandy, next time, I will eat in your house para may makasabay ka,"  and he keeps on chewing his food as he surveys the room.  Wala kasi kaming teacher sa isang subject kaya nagkakagulo lahat.   I took my juice and sipped it.  Pasimpleng pinag-aralan ko ang mukha niya.  Ayoko lang aminin sa sarili ko pero they are right.  Mason is handsome because cute is an understatement.   "Tapos ka na?"  nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa akin habang nakangisi.  Napailing tuloy ako.  "Okay.  Continue what you are doing........" inilapit niya ang mukha sa akin kaya napalayo ako sa kanya.  "You may continue staring at me." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.  "Excuse me?!  Ako?  Tinititigan ka?"  tinaasan ko siya ng kilay.  "Kapal lang, ha!" Ngumiti siya at umayos ng upo.  "Joke lang,"  sinulyapan niya ang pagkain ko.  "Finish it all up.  Kakapiraso lang iyang burger kaya dapat maubos mo iyan.  Hindi ka tatayo diyan hangga't hindi mo inuubos iyang pagkain mo." Tinanggal ko ang sibuyas at inilagay sa empty styro.  "This one really smells." "Ayaw mo?"  napailing siya ng tumango ako.  "Akin na lang,"  at nagulat ako ng bigla niyang kunin ang inilagay ko sa styro at walang sabi sabing kinain.  "I like onions." "Ang baho kaya sa bibig niyan,"  nandidiring sabi ko sa kanya. "Okay lang.  Wala namang aamoy sa akin,"  sabay buga ng hininga sa palad at inamoy iyon.  "It smells but tastes good." "Huwag mo akong kakausapin mamaya nang malapitan, ha,"  sabi ko sa kanya na ikinatawa lang niya.   Inilagay niya sa empty plastic bag ang mga pinagkainan niya.  "I finished my food.  Ikaw, may kalahati pa." "I will eat this.  Just need to savor the taste slowly though I can make better sandwiches than this.  I can make one for you,"  alam ko namang binili lang niya ito sa canteen kaya sinabi ko iyon. Natuwa naman ako nang makita kong napangiti siya ng malaki.  "I will wait for that.  Wake up early at lagi tayong sabay na kakain dito sa school.  Alternate tayo sa pagdadala ng foods, okay ba iyon sa iyo?" I nodded.  It really feels good to know that he really cares for my health.  He will adjust himself for me. Masayang ibinalik ko ang atensyon sa pagkain samantalang siya naman ay binabantayan akong kumain. "Ano yan, ha?  Mag-syota lang?"  natatawang tanong sa amin ni Ross na ewan ko kung bakit nandito.  Tinapik niya sa balikat si Mason.  "Pinapatawag tayo ni Coach. Hi Cam,"  kumaway pa sa akin at ngiting ngiti.  "Sarap naman niyang kinakain mo." "Gusto mo, iyo na lang?"  tinignan ako ng masama ni Mason. "Hurry up and eat.  Hindi ako aalis hangga't hindi ka tapos kumain,"  tumingala siya kay Ross.  "Sunod ako.  Pull Prox from there,"  sabay turo niya sa nerdy na kaibigan na nasa isang sulok ng kwarto.  Agad namang ginawa iyon ni Ross at tuluyang umalis ng kwarto kasama si Prox. "Sige na.  You go.  I will finish this up,"  pero umiling siya.  "I know you, Cam.  Itatapon mo iyan pagka-alis ko,"  seryosong sagot niya sa akin.  "Hurry up.  Mga tatlong subo na lang iyan,"  inilapit pa niya ang kamay ko sa bibig ko.   "You don't have to guard me, Alex.  I can take care of myself.   Baka magalit pa ang Coach mo sa iyo,"  pero umiling siya. "Kung ayaw mo akong pagalitan ni Coach, bibilisan mo ang pag-kain,"  sabi niya sa akin.  When I took the last bite,  ngiting ngiti ang loko.  "See?  Naubos mo.  Gutom ka rin talaga."  He took my garbage and put it inside the plastic bag.  "Aalis na ako, okay?" Tumango lang ako.  Paalis na sana siya ng tawagin ko.  "Alex." "Yes?"  nakangiting tanong niya. "Thank you," sabi ko sa kanya habang naglalagay ako ng alcohol sa kamay.    "You are always welcome, my Princess.  Tomorrow, we will eat the sandwiches that you will make," kinuha ko ang kamay niya at nilagyan iyon ng alcohol.  "Thanks." "Hhmm......brush ka muna before you go to the court,"  nagtakip ako kunwari ng ilong.  "The onions." "Oh,"  muling inamoy ang paghinga.  "Yah, I will.  Bye,"  tumango lang ako at tuluyan siyang umalis matapos niya akong kurutin sa pisngi. "Ay!  Ano iyon?  Kilig kiligan lang!"  sabi ni Anton sa akin. Natatawang naiiling na lang ako.  "Cam,"  liningon ko si Messie.  "I admit defeat." Napakunot ako ng noo.  "What are you talking about, Messie?" "I admit defeat kasi si Mason, all eyes lang sa iyo,"  nakasimangot na sabi niya sa akin tapos biglang ngumiti.  "I am rooting for the two of you!" "Sira!  Mag-kaibigan lang kami, okay?  He's always like that when we were kids,"  sabi ko sa kanya.   "If it's like that, noon hanggang ngayon, please be nice to him.  Hindi lahat ng guys, ganyan.  Kapag ginawaan ka ng ganyan, it means, you really mean something to him,"  sabi sa akin ni Anton. "Ikaw, the way you talk, parang ang dami mo nang alam," sabi sa ko sa kanya. "Yun kasi ang sabi ng Mommy ko sa akin.  Only one person will come in our life who will really, truly belong to us.  One person who are destined to love us eternally and I think, that is Mason for you, right, Messie?"  sumigunda naman ang isa.  "Kaya ako, dahil tingin ko si Ross ang para sa akin, hindi ko na siya pakakawalan,"  sabay tawa ng malakas. I bit my lips and look outside the room,  seeing an imaginary Alex walking away, with the garbage in his hands.  Napangiti ako.  Paano nga kaya kung si Alex ang sinasabi niyang destiny?  Am I going to entertain the thought or push it away from me? I shrugged my shoulders but I cannot help but grin.  Bata pa naman kami and I know Alex will be with me hangga't hindi siya nagsasawa sa pag-aalaga sa akin.  And I know, hindi iyon darating sa kanya kaya I will just enjoy my life with him around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD