"He is sick," napatingin ako kay Prox nang dumating siyang nag-iisa. "Ha? Kailan pa?" bigla ang ahon ng pag-aalala sa akin. "Uminom na ba siya ng gamot?" "Oo. Pinakain ko muna bago ko pinainom ng gamot," napatingin siya sa akin ng bigla akong tumayo. "Where are you going?" "Doon na lang tayo sa room ninyo mag-review," sabi ko sa kanya pero kita ko na ayaw niyang pumayag. "Please, Prox. At least, he can still listen to us. Kawawa din naman kasi siya, walang mag-aalaga." Tinitigan muna niya ako bago tumango kaya nahalikan ko siya sa pisngi. "Thank you, Prox!" "Pinagbibigyan lang kita kasi parang iiyak ka na naman eh," inirapan ko siya at binitbit ang ibang librong nasa lamesa. "I just want to remind you that you are not his girlfriend anymore." "I know that okay! It is ju

